Chapter 2

17 7 2
                                    

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa excitement. Sino ba naman kasi ang hindi maeexcite kung nginitian ako ni  Rafael lastweek. Napakatagal kong hinintay na sana mapansin na niya ako at ang pagngiti niya sa akin ay napakalaking bagay ibig sabihin may improvement na kami.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papunta sa klase namin. 7:30 palang ng umaga pero marami nang estuyante. Karamihan dito ay kasama ang kanilang kaibigan habang magkahawak bisig may mga estuyante rin na nakabusangot and a typical loner students.

Umupo ako kung saan ako madalas nakaupo at dito ang malapit sa bintana. Naglalakihang at nagbeberdihang mga puno ang mga nakatanim sa gilid ng silid sa laki nito ay nalalagpasan na niya ang ikalawang palapag ng eskwelahan kung nasa ako. Halos alas otso na pero wala pa din yung taong hinihintay ko. Nasa gilid ko naman si Isabel na nagbabasa ng novel pinagmasdan ko ito at isa ito sa mga sinulat ni Dean Kootz na pinamagatang Mr. Murder.

"Oh keaga-aga nakabusangot ka." Sabi ni Isabel habang hawak hawaknparin ang librong binabasa niya habang nakatingin siya akin.

I just pouted my lips and act a little sad. "Huwag ka nga diyan." Tinigil niya ang pagbabasa at tumingin siya sa akin. "Tell me Eve." 

Itinuro ko gamit ang aking nguso kung saan umuupo si Rafael. Tumingin siya kung saan ko ituro at ibinalig ang kanyang tingin sa akin. "Yun lang?"

Tumango ako sa kanya. "Paano naman kasi Isa.." palayaw ko kay Isabel. " Halos hindi ako makatulog kagabi dahil kahihintay na dumating ngayong araw na ito. Nakikita mo ba ito?" Turo ko sa ibaba ng aking mata na nangingitim.

"Kaya ba naglagay ka ng lipgloss." Pangungutya niya sa akin at tinusok tusok ang aking tagiliran.

"Tumigil ka nga Isa. Kita mo naman na problemado ako."

"So, pati lalake problema mo nadin?"

Hindi ko nalang pinansin ang kanyang sinabi at Inayos ko ang pagkakaupo ng dumating ang professor namin. Puro lecture lang ang ginawa namin. Business Administration ang kurong kinuha ko para matulungan si Papa sa kanyang negosyo. Natapos lahat ng Morning class namin namin na wala siya.

"Naubos yata lahat ng energy ko Eve." Sabi ni Isa habang hawak ang kanyang tiyan. "Gusto kong kumain ng fried chicken o adobong manok at chopseuy o pinakbet" Isa-isang sabi ni Isa.

Pumunta kami sa canteen at halos mapuno ng estuyante ang canteen. Pumila kami ni Isabel sa linya at binili niya lahat ng putahe na meron sila.

Tumingin kami kung saan may available na lamesa at sa hindi kalayuan dalawang lalake ang nakaupo sa isang lamesa sa pinakasulok. Pumunta kami kung nasaan sila.

"Can we seat hear?" Hindi ko na sila hinintay na makasagot at umupo nalang sa kanilang harapan at ganun din si Isabel sa tabi ko. Tumingin sila sa akin na nakakunot.

"You don't have to ask Eve basta ikaw." Sabi ni Neil sa akin na nakangiti. I just shriek at sinimulang kumain. Naging tahimik kami sa pagkain.

"Why his not here?" Ako ang unang bumasag sa katahimikan.

"Who?" Tanong naman ni Kevin na nagmamaang maangan.

 "You know whom am I referring to kevin."

"Chill Eve." At napatawa silang dalawa.

"He's busy I think." Si Neil ang sumagot at tinuloy ang pagsubo. "Busy In what?" Tanong ko ulit sa kanila.

Siniko ako ni Isabel. "Kung makapagtanong naman ito parang gf ha." 

"Tumahimik ka nalang diyan at ituloy mo nalang ang pagkain ha." At itinuloy ko ang kanyang pagsubo  na nasa ere.

Pinagmamasdan lang nila kaming dalawa at napangiwi. Napatingin ako kay Kevin ng nagsalita.

"Business maybe."

Hindi nalang ako nagsalita at tinuloy ang pagkain. Nang matapos ako pinagmasdan ko lang sila. Paminsan minsan na tumitingin sa akin si Neil. "Baka matunaw ako." Dinig kong sabi ni Neil.

Nabalik ako sa realidad ng kinurot ako ni Isabel. Tinuro niya sila Neil at Kevin gamit ang kanyang mukha at doon ko napagtanto na masyadong matagal na pala akong nakatitig sa kanila. Namula ang aking mukha dahil sa kahihiyan.

"I didn't know na nagblu-blush pala si Eve. Nakangiting sabi ni Neil sa akin.

"Hindi ah." Deny ko sa kanila. " Ang takaw takaw niyong kumain. May kanin pa kayo sa mukha." Para ibaling sa iba ang topic. Pagkatapos naming kumain at ay bumalik din kami sa classroom.

Habang naghihintay para sa afternoon class namin nagbasa muna ako nang note namin kahapon. Habang tinutuloy namin ni Isabel ang pagbabasa ng novel.  Hindi ko mapigilang makinig sa pinaguusapan nila.

"May bago tayong classmate." Sabi ni Emy sa kanyang mga kaibigan. Nakaupo silang tatlo ng pabilog.

"Talaga? Eh, halos patapos na ang school year." Hindi ko alam kung sino ang nagsalita.

"Ewan. Basta narinig kong pinaguusapan nila ng dumaan ako sa Dean's office." Sabi ni Emy.

"Sobrang yaman siguro niya. Lalake ba? Yieh!!! Sana gwapo." Kinikilig na sabi nila.

"Ewan. Siguro." Ang huling sinabi ni Emy bago dumating ang professor namin. Naging boring lahat ng subject para sa akin. Halos hilain ko ang oras para matapos na sana lahat ng subject namin para makauwi na ako at makapaghinga.

"Narinig mo ba yung sinabi nila Eve? May bago daw tayong transferee."  Sabi sa akin ni Isabel at nakuha rin nila ang kanyang atensyon.

"Dunno."

Wala ako sa mood ngayon para makichismiss sa kanila. Isang bagay lang ang nasa isipan ko sa ngayon at ito ang "the bigger the expectation thebigger the disappointment is"




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon