3rd Chapter

5 0 0
                                    

( 3rd Chapter )

Hindi ko alam kung mauumay ba 'ko or what habang naririnig ko kung pa 'no maglandian ang dalawang 'to sa harapan ko.

Ayoko man sumama kaso mapilit talaga si Alicia, simula kasi nong nakalabas ako ng ospital naging weird at nag-iba na daw ako.

Talagang nag-iba na 'ko.. Simula ng nawala ako sa pilipinas matapos ng first year college at hanggang sa tumanda nalang ako. Ang dami kong na-realize no'n, na isa pala akong tanga na nagmahal noon sa boyfriend ngayon ng bestfriend ko.

"okay ka lang ba jan Theresa?" tanong sa 'kin ni Alicia na agad ko naman ikinatango. "ang tahimik mo kasi, e." dagdag niya pa. Tas napatingin ako kay Cristopher na nakatingin rin pala sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin at napunta 'yon kay Alicia, "Ano kaba.. Don't mind me, mag focus kana lang jan sa boyfriend mo." sabi ko at binaba na lang 'yung tingin sa kinakain kong pansit bihon, nilaro-laro ko 'yon hanggang sa biglang tumunog 'yung beeper ko na nasa loob nang bag.

Kinuha ko 'yon at tinignan, nag message pala si Kuya Jacob sa 'kin, umuwi daw ako ng maaga kasi meron daw kaming family dinner with Lola Generva.. Ang mommy ni daddy. Mejo 'di ko ka-close 'yon si lola dahil once in a blue moon lang siya makadalaw sa 'min at kung minsan wala pa ako. Sa America kasi sila nakatira at 'yung ibang relatives namin nasa London.

"bestfriend, sama ka sa 'min ni Cristopher sa sine mamaya,"

Umiling ako agad. "Kayo nalang.. Time niyo 'yun sa isa't-isa." tipid kong ngiti sa kanilang dalawa.

Nang matapos 'yung lunch break nauna na 'kong magpaalam sa kanila dahil alam kong 'di papasok si Alicia sa next subject, mag cu-cutting sila ni Cristopher dahil ayon rin 'yung gawain namin no'n nung kami pa. Si Alicia na lang talaga 'yung pumalit sa pwesto ko na 'di ko naman pinagsisisihan dahil kung tutuusin maayos na 'tong ganitong set-up.

No more Cristopher in my life again.

Dumaan muna 'ko sa CR para maghugas ng kamay saka mabilis rin lumabas papunta sa classroom ko nang bigla nakita ko na lang na nag slide 'yung paningin ko it means madudulas na 'ko.

Nako po!! Goodluck sa akin!

Napapikit na lang ako inantay 'yung paglanding ng katawan ko sa sahig.

"Tsk. Ang clumsy mo naman," mabilis akong napadilat nang marinig ko 'yung boses lalaki at maramdaman ang bisig na nasa bewang ko.

"M-marci.." mahinang sambit ko.

Inayos niya ako ng pagkakatayo saka tinanggal 'yung pagkakayakap sa bewang ko. "thank you," pasalamat ko sa kaniya.

"it's nothing, ayoko lang may makakita sa 'yo na iba at pagtawanan ka pa nila."

I widely smiled. "Sabi ko na nga ba, e. Still Marci i always knew."

Pero, pansin ko lang, ha? Parang may sumpa ata 'yung hallway sa 'kin.. Ano? Lagi nalang ako napapahamak, mabuti na lang at may nakakapagligtas sa 'kin like Marci.

Tumingin ako sa ibat-ibang direksyon. "huwag kang maingay ah.. Pero galing na 'ko sa panahon na 'to, kilala kita dahil isa ka sa mga naging friend ko no'n," mahina kong sabi sa kaniya.

Natawa naman siya sa 'kin kaya sumimangot ako saka tinaas 'yung isang kamay ko sa ere upang itigil 'yung balak niyang sasambitin sa akin.

"Alam ko! Huwag mo nang sabihin pa, kung iniisip mo na baliw ako bahala ka basta totoo 'yung sinasabi ko.."

Napailing-iling na siya saka pinakatitigan ako.

"sa'n kabang lupalop nanggaling at ang lakas ng tama mo?"

Go Back 1967Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon