Ethan's POV
Nung nalaman ko na kaklase ko si Lou, lalo akong namangha sa kanyang kagandahan. Ang ganda nya kaya pagtripan, kaya pinalipat ko yung katabi nya, tapos tinabihan sya. Ang cute nya kaya kapag nagagalit, kinikilig ako hahahaha.
"Class, hindi ko pa kilala ang iba so please magpakilala muna kayo dito sa unahan, Ethan ikaw na ang mauna" Sabi ng Teacher namin, so nagpakilala na ako sa unahan.
"Hi Classmates, my name is Ethan Jaden Stanford, 18 Years Old at ako ang anak ng may ari ng School na ito, ikinagagalak ko pa kayo na mas makilala pa, Thankyou." Pagmamayabang ko, actually medyo mayabang din naman ako pero konti lang talaga. Halos lahat ng babae naghihiyawan sa kilig, maliban kay Lou.
Pagkatapos ng ilang minuto, si Lou na yung magpapakilala "Hello, my name is Louisse Kylie Arcega, u can call me Lou. I'm 18 Years Old, Thankyou." Sabi nya habang nakangiti, ang ganda nya talaga baka matunaw sya kakatitig ko, nang bigla syang napalingon sakin at napansin ang pagkatitig ko sa kanya, Ow Shit! Tapos bigla na lang syang umiwas ng tingin, iniiwasan nya kaya ako?
——————————————————Lou's POV
Nakakakaba talaga nung nasa unahan ako, lalo na nung nakita ko si Ethan na nakatingin sakin, bigla akong umiwas ng tingin kasi ghadd! Baka mamula ako dito ng parang kamatis sa unahan, sana hindi nya mapansin.
Makalipas ang ilang minuto ng halos lahat ay tapos na magpakilala at pagkatapos non nag discuss na yung Teacher namin.
Discuss
Discuss
DiscussRecess na!!! Sa wakas, nalagpasan ko din ang pangyayari kanina. Niyaya ko na ang aking mga kaibigan sa Canteen upang bumili ng makakakain dahil nagugutom na rin ako. Habang naglalakad kaming lima, wala akong kamalay malay ng bigla akong hinila ni Ethan "Ano b-...Ethan?! Anong ginagawa mo dito? Bakit bigla mo nalang akong hinila? Muntik na akong atakihin sayo!" Bigla akong napatigil na magsalita nung nalaman ko na si Ethan ang humila saakin bigla akong natulala sa kanya until i realized na masyado na palang matagal kaya kailangan ko talagang umiwas sa kanya kase ang Awkward ko para sa kanya at masyado na akong kinikilig pero kailangan kong maging mataray whoo.
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka tumatabi sakin." Sabi nya "Bakit naman ako tatabi sayo?" Iritang sabi ko, tas may babae na maganda, pero mas maganda pa din ako dun noh! "Hoy! Bakit mo nilalandi tong Boyfriend ko?!" Iritang sabi nya, familiar yung mukha nya eh "Bakit? Sino ka ba? At isa pa, hindi ko nilalandi tong BOYFRIEND MO! Sya naman kase tong biglang humila sakin kaya wag ako yung sisihin mo dapat yung BOYFRIEND mo!!!" Tinigasan ko talaga yung pagsabi ng Boyfriend, pero sa totoo lang nagulat ako sa pangyayari at bigla na lang akong nasaktan, ouch saket, May Girlfriend na pala sya.
Aalis na sana ako ng bigla kong narinig ang mga salita ni Ethan dun sa babae "Hoy ka din! Hindi kita Girlfriend! wag ka ngang assuming dyan! Tsaka hello? Never pa akong nagkaka GIRLFRIEND! Lou, wag kang maniwala sa kanya!" Sabi ni Ethan "Wala akong pakealam kung mag jowa ba talaga kayo o hindi, kasi May Boyfriend na ako!" Sabi ko sabay walkout. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi na may Boyfriend ako kahit wala naman dahil masyado na akong naguguluhan sa pangyayari.
"Wait lang!" Sabi ni Carm "Ehem, Lou wala ka namang Boyfriend ah? Teka may hindi ka ba sinasabi samin? Yahh!! May Boyfriend ka na ba talaga? Bakit di mo sinabi saamin??" Sabi naman ni Jade "shhh!!! Wag nga kayong maingay! Sinabi ko lang yon para tigilan na nila ako, at isa pa wala akong BOYFRIEND! Tsaka kung magkakameron man, kayo ang una kong sasabihan." Sabi ko sa kanilang apat "Oh? Edi sino yung FAKE BOYFRIEND mo?" Sabi ni Jane. Diniinan pa talaga yung pag sabi nun ehh. "Basta"
Sabi ko sa kanila.To be Continued....
BINABASA MO ANG
The "Unexpected"
RomanceThis story is about a girl who fall inlove with a Perfect Boy, pero ang tanong...magugustuhan kaya din sya nung Perfect Boy? "Gusto kita? Alam mo ba? Gusto kita okay lang ba?" -Lou This is My First Story so sana magustuhan nyo, Thankyou and Enjoy.💞