Kabanata1

0 1 0
                                    

Argh! I'm really angry and pissed!

Walanghiya talaga ang lalaking 'yon! He's a liar! Dapat ay hindi ko siya pinagkatiwalaan!

"Eliah Eunice!" narinig kong sigaw ulit ni Mommy sa akin bago tuluyang sumara ang pintuan ng discipline's office.

Huminga ako ng malalim nang makalabas na ako. I need to calm myself!

"Sa susunod kasi h'wag ka ng pasaway, Miss, hindi ka na nahiya sa mga magulang mo."

Bahagya akong nagulat nang marinig ko ang boses ng lalaking kanina ko pa gustong bigwasan ang pagmumukha. Nakapamulsa ito at nakataas ang isang kilay. Sa halip na kumalma ako ay mas lalo lang akong nakaramdam ng inis at galit.

"You!" turo ko rito. Tumaas lang ang kilay niya sa akin na mas lalong ikinainis at ikinagalit ko."You lied! At kung makapagsalita ka, akala mo naman kung sino ka!" Naihilamos ko ang mukha ko sa palad ko, "You're a liar! Ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo, did you get it, huh? Kapag nakita pa kita sa susunod—"

"Sabihin mo 'yan sa akin kapag may karapatan kang pagbawalan ako. Tss, baliw na babae!"

Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala nang pinutol niya ang sasabihin ko at bigla na lamang akong linagpasan at iniwan. What the heck! That guy! Argh!

Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig kong bumukas na ang pintuan ng discipline's office. Agad na akong nagmadali na maglakad dahil ayokong pati dito ay marinig ang sermon ni Mommy.

"Eliah Eunice!" sigaw nanaman ni Mommy sa pangalan ko nang makapasok na ako ng sasakyan.

"Argh! This will be a trip to hell again!" mahinang bulong ko bago tuluyang nakapasok si Mommy. Malas at sa akin pa tumabi dito sa backseat. Ngayon ay wala na akong kawala lalo na't wala si Daddy na pipigil kay Mommy.

"What is it this time, Eliah Eunice?" mariing tanong sa akin ni Mommy. Nagsimula ng tumakbo ang sasakyan.

"Manong pakibilis ang pagmamaneho, please," utos ko sa driver namin.

"Eliah Eunice! Will you answer my question? At pwede bang h'wag mong pakialaman ang pagmamaneho ng driver natin? Now, tell me what is it this time? Bakit ka nanaman gumawa ng kalokohan?" galit na utas ni Mommy, halos mabingi na ako sa kaingayan niya.

Pumalatak ako. "It's nothing, Mom," nagkibit ng balikat kong sagot. "I just wanna have fun kaya ko nagawang mag cutting but look, hindi naman natuloy. Tsaka, first day, may discussion kaagad? Tss! Bwisit nga, eh!" pagalit na dagdag ko.

Narinig ko ang malalim na buntonghininga ni Mommy. Ngumisi ako dahil alam kong malapit na rin siya sa wakas na tumigil sa pagdadaldal.

"Get yourself ready tomorrow, Eliah Eunice. Bilang kabayaran sa ginawa mo ay sinabi kong one week kang maglilinis sa university niyo. You'll be helping the janitors and janitress to clean the whole university."

Mabilis na hinarap ko si Mommy. What? Oh my god! Did I hear it right?!

"That serves as your punishment. Sana naman sa susunod ay magtanda ka na!" Hindi ako makapagsalita. Nasapo ko ang noo ko. Parang mabibiyak na ang ulo ko. "At sana naman ay h'wag kang magmakaawa sa Daddy mo na palagi ka nalang kinukunsinti. Lumalaki kang paurong ang ugali, Eliah Eunice," ngayon ay dismayado na ang tono ng boses ni Mommy, hindi kagaya kanina na galit talaga.

"Mom..." nagsusumamo naman ngayon ang tono ng boses ko. "Are you serious? Hindi naman natuloy 'yong pag cutting—" pinutol kaagad ni Mommy ang sasabihin ko.

Suddenly It's LoveWhere stories live. Discover now