Simula

0 1 0
                                    

"Argh, finally I did it!"

Abot langit ang ngiti ko habang tinatahak ang hagdan pababa upang tuluyan ng makaalis. Yes, you get it right! My classroom was on the third floor ngunit wala lang 'yon sa akin dahil pursigido naman akong tumakas.

Biglang pumasok sa isip ko si Mrs. Santos. I wonder if what will be her reaction. Siguro ay sasabog 'yon sa galit. Tss, mabuti naman kung ganoon. Paano ba naman kasing hindi ako tatakas sa klase niya eh first day na first may discussion kaagad?

"Pure success!" masiglang ani ko nang dalawang hakbang nalang pababa ay nasa first floor na ako.

This is it!

"Tss, anong pure success ka riyan?" ani ng isang lalaking parang kabuteng sumulpot sa harap ko.

What the heck? Don't tell me he'll stop me?! Tumaas ang kilay ko sa kanya at humalukipkip. I examined him from head to foot. Tumitig ako sa mukha niya.

He has an angelic face. Brown eyes. Ang ilong ay matangos. His lips? Hindi ko matukoy kung purong kulay pink 'yon dahil parang humalo ang kulay pula. And his jaw fits every feature of his face. Kumbaga wala akong mapupunang mali sa mukha niya. Simple lang ang porma niya. Kulay itim lang na t-shirt at maong na pantalon ngunit malakas ang dating. Mas lalo akong tumitig sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa akin. Bakit maging ang pagkunot ng kanyang noo ay bumabagay sa kanya?

Damn! What's happening to me?

"Unang araw pa lang ng pasukan pero nag cutting ka na?" nanliliit ang mga matang aniya sa akin. Suminghap ito at umiling ng paulit-ulit. "Madami na talagang alam na kabulastugan ang mga kabataang kagaya mo."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Excuse me?"

"Hoy, Miss, 'wag ka ng painosente! Nahuli kita kanina! Bulag-bulagan lang?"

Tumaas ang kilay ko sa kanya, "Are you one of my classmates? Pa'no mo naman nasabing nag cutting ako ng klase, ha? Duh! You better use your mind first!" mataray na ani ko.

Umiling ito at ngumisi. "Bakit ka yumuko kaninang naglalakad ka? Hindi ka naman kuba, ah?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Naasar ako sa sinabi niya. Sigurado akong hindi ko ka-klase ang isang 'to kaya paano niya nalaman? Ah. I knew it!

"Are you my stalker?" nakangising tanong ko sa kanya.

Pumalatak ito. "Bumalik ka na sa classroom mo."

Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "Are you crazy?" inis na tanong ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niya!

Humakbang siya ng isa palapit sa akin. "Balik na," magaang aniya.

"No way!" naiinis paring singhal ko bago siya itinulak ngunit walang nangyari. Ni hindi man lang siya natinag si kinatatayuan niya.

"Balik na," muling ulit niya, nawala na kaunti ang pagkagaan ng pagkakasabi niya.

Sa halip na pansinin ang sinabi niya ay nakipaglaban ako ng titigan sa kanya at tinignan ang espasyong pwede kong daanan. Ngumisi ako. Ngumisi rin siya. I was just about to move fast when he immediately blocked my way. Hinarang niya ang mga kamay niya kaya wala akong pwedeng daanan pababa.

I pouted to him. Umiling lang siya sa akin, naniningkit nanaman ang mga mata.

"Bumalik ka na, Miss, mag-aral ka ng seryoso. Sana alam mong 'yon ang dahilan kung bakit ka nandito," sermon niya pa sa akin.

Suddenly It's LoveWhere stories live. Discover now