Prologue

82 15 3
                                    

Isang malakas na alulong ng mga dark spirit ang namayani sa buong kalangitan. Nagtagumpay ang mga ito sa pagsakop sa liwanag at nag mistulang itim ang lahat ng paligid. Kitang-kita ko ang mga dating makukulay na bulaklak na ngayon ay patay na. Maraming nagkalat na dugo sa buong paligid at mga katulad ko na binawian na ng buhay. Ngayong gabi pa lamang ay alam ko na ang kahihinatnan ng lahat.

Natalo ang puti ng itim,

Natalo ng masasama ang mabubuti,

At natalo ng dilim ang liwanag.

Siguro nga ay ito na ang wakas para sa aming mga anghel. Natalo kami ng mga kalaban at alam naming hindi na kami makakalaban pa dahil sa nanghihina na ang karamihan sa amin.

Iginala ko ang aking tingin upang hanapin ang isang tao na nagsilbing kalakasan ko para lumaban. Huminto ang aking mata sa paghahanap nang makita siyang nakikipaglaban sa isang itim na anghel. Halata ang galit sa mga mata nito habang nakikipaglaban.

Sa sobrang hina na ng kanyang katawan ay nagtagumpay ang itim na anghel na maalis ang sandata nito at sipain siya paluhod sa sahig.

Nais ko sana siyang tulungan ngunit nauubos na ang dugo ko sa katawan at sobra na akong nanghihina. Alam kong sa oras na ito ay mababawian na ako ng buhay. Bago pa ako tuluyang pumikit ay nakita kong hinigop ng itim na anghel ang kaluluwa niya bago bumagsak ang katawan nito sa lupa.

"Babalik ako...

at sa pagkakataong iyon ay ako na ang poprotekta sayo."

This is a work of fiction. Any names, characters, places, and events are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Serene: The Light PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon