Ang sinumang magnakaw ng abuloy o anumang bagay na para sa patay ay magiging magnanakaw sa habambuhay.
Bawal magpapakuha ng larawan na tatlo lamang dahil mamamatay ang isan.
Bawal magpatay ng manok kung hindi pa nakakapagbabang luksa.
Bumibisita ang yumao kapag ayaw umalis ang isang kulay tsokolateng paruparo.
Hindi dapat magwalis kapag may patay sa bahay.
Huwag kumanta habang nasa harap ng kalan dahil maagang mamamatay ang mapapangasawa.
Huwag lumapit sa patay kapag may sugat dahil hindi ito gagaling.
Huwag matutulog na paharap sa pinto dahil hihilahin ni kamatayan.
Iwasang mauntog ang kabaong kapag inilalabas ng bahay para hindi mahirapan ang kaluluwa ng namatay.
Kailangang gumising kapag may dumaang karo ng patay dahil baka isama ng namatay.
Kapag mayroong pumasok na paniki sa loob ng inyong tahanan, ito ay nangangahulugang mayroong taong mamamatay.
Kapag mayroong puting paru-paro sa inyong tahanan habang mayroong nakaburol, ibig sabihin ay malinis ang kaluluwa ng taong namatay.
Kapag nakarinig kayo ng huni ng kuwago malapit sa inyong lugar sa hatinggabi, ibig sabihin ay mayroong mamamatay.
kapag nanaginip na nalalagas ang ngipin ay may kamag-anak na mamamatay.
Magpalit agad ng damit pagkagaling sa burol o pakikipaglibing.
Magsiga sa harap ng bahay ng namatay para maging gabay nito sa pag-akyat sa langit.
Masama ang magdala ng pagkaing nanggaling sa bahay na mayroong nakaburol sapagkat mamatayan rin ang isang kasambahay.
Masamang mag-katay ng manok habang may nakaburol sa inyong tahanan sapagkat malamang na may sumunod na mamatay sa inyong pamilya.
Masamang mangisda kapag mayroong namatay sa inyong tahanan.
Masamang pumutak ang inahing manok kung gabi sapagkat malamang na mayroong mamatay sa inyong lugar.
May mamamatay na mahal sa buhay kapag naggupit ng kuko sa gabi.
May namatay na mahal sa buhay pag nakaamoy ng kandila o bulaklak.
Paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ng mga namatay na sanhi ng krimen.
Pagsasabog ng asin o bigas sa kabahayan ng namatay upang itaboy ang espirito.
Palipasin ang tatlong araw bago maligo kapag namatayan.
Sa libing, kailangang ihakbang ang mga bata sa ibabaw ng hukay ng yumao upang huwag itong balikan ng kaluluwa ng taong namatay.
Umiiyak ang mga kaluluwa kapag umulan sa Todos los Santos.