Isang mabuting palatandaan kapag ang bata ay umiiiyak habang binibinyagan sapagkat ito ay nangangahulugang itinataboy ng agua bendita ang masamang espiritu sa bata.
Kapag ang anak na bibinyagan ay panganay, kailangang ang lolo o kaya ay ang lola ang siyang pumili ng ipapangalan sa bata upang magkaroon ito ng mahaba at masaganang buhay.
Kapag sabay na pabibinyagan ang anak na babae at lalaki, kailangang maunang binyagan ang lalaki sapagkat kapag nauna ang babae ay hindi tutubuan ng balbas ang lalaki paglaki samantalang magkakabalbas naman ang babae. Malamang din na magkabaligtad ang kanilang ugali.
Makabubuti kapag pabibinyagan ang bata sa parehong araw rin na siya ay ipinanganak.