Airea's POV
Lintek naman oh, kung kailan gusto kong makinig ngayon pa wala si Teacher. Tsk,
Umalis ako sa classroom at umakyat sa rooftop.
Agad akong sinalubong ng preskong hangin, ang sarap talaga dito. Bakit ba kasi hindi pa dumadating si Milan 'yan tuloy wala akong kasama. Ako 'yong tipo ng tao na 'di gusto ang maraming friends. Hindi ako naniniwala sa katagang, mas marami mas masaya. Tse, Utot niyo, masaya naman ako na si Milan lang ang bestfriend ko ah? Tsk.
Nakarinig ako ng hakbang at pagpihit ng pinto 'di ako nagabalang lingonin 'yon, tsk anong pake ko kung may ibang magpunta dito? 'Di ko naman to pag-aari.
"Just get your ass right here you dumb!"
At mukhang hindi yata ako nakita ng tukmol nato ah, plano niya bang sirain ang eardrums ko? Kung makasigaw wagas. Kalalaking tao palaging sumisigaw, tsk, ang ingay!
"Okay, okay I'll try."..."You owe me big time, dude!"... "Tsk."
Hindi ko nalang siya pinansin, umakyat ako sa railings para makita ang kabuohan ng University namin, ang laki.
Nakikita ko ang mga ginagawa ng mga tao dito sa itaas, ang saya pano--
"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING, MISS!" Ang ingay!
Iwinaksi ko ang kamay na nakahawak sa braso ko, wtf? Anong iniisip ng unggoy na'to ?
"Ano ba!" Di ko mapigilan na sumigaw, pero hindi kasing lakas ng sa kanya, parang bakla 'kong makasigaw eh.
"Ziline? Magpapakamatay ka ba?" Sigaw niya, Wtf? So, he think that I'm going to jump? Haha, Asa!
"I'm not stupid, Mister." Sagot ko nalang , ang Ingay talaga ng mokong na'to . Paguntugin ko ulo nila ng pinsan ko e, ang sakit sa tenga!
"Then, what are you doing?!" Sigaw niya ulit. Kumukulo na ang dugo ko sa lalaking 'to ah. Ang pinakaayaw ko ay ang maingay, at sinisigawan ako.
"WHY DO YOU CARE ! YOU'RE GETTING TO MY NERVES, MISTER! SIGAW KA NG SIGAW DIYAN ANG INGAY! BAHALA KA NA SA BUHAY MO!" Yan, ang sakit ng lalamunan ko. Ghad, bakit ba kasi ang hilig niyang sumigaw e ang sakit-sakit sa lalamunan.
Umalis na'ko doon at babalik na lang ako sa classroom. Baka maisipan ko pang itulak siya doon, mahirap na.
May humablot sa kamay ko, "Hey," Aishhh, 'di niya ba ako tatantanan?
I face him, "What now, Mister?" Ano nga ulit pangalan ng lalaking to? Ay, ewan.
"Ano ba kasing gagawin mo doon? Bakit kaba kasi umakyat sa railings? Tapos nakangiti kapa? Anong gusto mong isipin ko? " Sunod-sunod na tanong niya, hay salamat at hindi niya sa sumisigaw , kung makasigaw kasi e.
"Nagpahangin lang Po ako, gusto ko lang Pong makita ang kabuohan ng University natin at nakangiti po ako kasi ang sayang makita ng mga tao habang may iba't-ibang ginagawa. Now, do I answer your question Mister?" Paliwanag ko sa kanya, ayoko ko sanang sumagot e, kakapagod kaya magsalita. Pero baka hindi ako tigilan ng lalaking 'to e,
"Ows, Okay. At para lang sabihin ko sayo may pangalan ako! Bryle! Bryle!" Ayan na naman siya sa kakasigaw, hahayst. Napailing nalang ako, ang ingay sarap ipatapon sa pasig river .
"I don't fuvking care, Mister. Bye."
Umalis na'ko doon at bumalik na sa classroom.
Pagdating ko, marami ng tao. Kapagod talaga kapag wala si Milan. Walang kukulit sa'kin. God, I missed her. Next week pa kasi siya babalik e, may pinuntahan. Makatulog na nga lang, walang teacher e.