Airea's POV
"Oh, eto na, Seniorito at Seniorita. Enjoy your meal." Sabi ko sabay lagay ng pagkain sa mesa. Napatingin ako sa kanila.
"Ano?" Tanong ko.
"Niloko mo 'ko." Sabay na sabi nila. Napatingin sila sa isat-isa. Huwaw, dapat na ba akong umalis ?
Nakita kong namula si bessy habang si Bryle e nakatingin pa din sa akin. Seryosong tingin.
"Bessy, bakit ibang pangalan ang ibinigay mo sa'kin. Iyan tuloy nakakahiya." Hehe, nagpeace sign ako sa kanya. Kumain nalang siya ng inorder ko. Wala man lang thank you. Napabaling ako kay Bryle anong problema ng isang 'to?
"Eh, ikaw? Anong pinuputok ng butsi mo?" Tanong ko sa kanya habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa bewang ko. Nanay lang ang peg,
Hindi niya ako pinansin at kumain nalang siya ng inorder ko. Aba't,
"Nasaan ang thank you ko?" Sabi ko sabay tingin sa kanilang dalawa.
"Ay, thanks bessy." Milan said. Mabuti patong si bessy.
"Eh, ikaw?"
"Thank you, AIREA." Seryoso niyang sabi. Oops, sorry naman .
"Ay, hehe. Sorry Bryle," sabi ko habang dahan dahang umupo at kumain.
"Uhm, Bryle? Wala ka bang ibang kaibigan dito?" Milan asked. Ows? Close na sila?
"Ah, wala e, kayo palang." Sagot niya. Salamat at nawala na ang seryoso niyang tingin, nakakatakot kaya 'yon.
Natapos kaming kumain na hindi ako pinapansin ni Bryle. Big deal ba talaga para sa kanya ang pagsisinungaling ko tungkol sa pangalan ko? Ano naman ngayon? Tss, ang labo.
Nauna akong naglakad sa kanila. Mukhang close na agad sila ah?
"Guys, pasyal tayo? Mamaya pa naman tayo babalik diba?" Tanong ni Milan. Oo nga no? Magandang ideya 'yon.
"Gee." Sagot ko. Napatingin ako sa gawi ni Bryle at mukhang hindi niya narinig ang pinaguusapan namin ni Bessy.
"Hoy!" Pangugulat ko sa kanya.
"Yah,!" Parang kabayo naman 'to.
"Hindi ka kasi nakikinig e," sabi ko. Ano ba kasing iniisip ng lalaking 'to?
"Tss." Ngayon ahas na naman? Ang gulo,
"So Bryle, as I was saying , kung pwede pasyal muna tayo. Mamaya pa kasi tayo babalik e," sabi ni Milan.
"Sure. Tara," sagot ng hari ng mga unggoy.
***
"Hahayst , kapagod." Sabi ko sabay upo sa isa sa mga benches, at gayun din sila Bessy at Bryle.
"Yeah," Bryle. Nagprisinta si Bryle na bumili ng Tubig, at sinamahan siya ni Milan. Ang galing lang, iniwan ako. Kakaiyak.
Habang nagmumuni ako, naalala ko ang letter. Saan ko kaya nalagay 'yon? Aishhh, naman e. Isip, Airea. Isip,
Kinuha ko ang bag ko at naghalungkat. Shit, 'di ko mahanap. Hindi ako mapakali, parang may mali e. I can't deny the fact that those letters makes my day complete. Ewan ko ba, sinanay ako ng SA ko e, I want to know him. Really.
Hindi ko namalayan na dumating na ang dalawa. "Anong hinahanap mo Ziline?" Napatingin ako sa kanya, nasanay yata ang ugok nato ,kakatawag sakin ng Ziline e,
"It's Airea, Bryle." Saway ni Milan,
"Bahala na, kasalanan niya 'to." Binalingan niya ako ng tingin at nagtanong ulit, "Ano ba kasing hinanap mo?"