Ikatlo

6 1 0
                                    

Pakakasalan kita, Anong pangalan mo?
By Jill-Azi

Paggising ko alas dose na! Hala 12pm? Gising ba to ng mayaman? Nakakahiya. Bago ako bumaba inayos ko muna lahat ng gamit ko para diretso alis na agad.

Pagbaba ko nakita ko siya sa sofa nanonood ng T.V.

"Gising ka na pala, Tara kain tayo" Nagluto siya? nakakahiya talaga nakisabay nalang ako tapos siya pa nag aasikaso

"Hehe sorry ha, antok na antok kasi ako eh"

"Okay lang 5am ka na natulog kaya expected na ganyan ka magigising" Wait. pano niya nalaman?

"Pano mo nalaman?"

"Nagising lang ako, gusto ko sana magpahangin sa labas tapos nakita kita sa kusina, after non inantok narin agad ako kaya nakatulog uli ako"

"Ah ganon ba hehe sige kain tayo"

Hindi naman ganoon kalakihan ang mesa, kasya apat na tao. Sinabi kong ako na ang mag aayos ng pagkain, pumayag naman siya. Naglagay na ako ng Kanin, plato, kutsara, tinidor sa lamesa. Iniisip ko kung anong ulam habanh papalapit ako sa kaldero at laking tuwa ko dahil sinigang ang ulam! Yey! Favorite ko to e.

Habang kumakain kami tinanong ko siya kung okay na ba after kumain alis na kami.

"Pwede naman, ayos na ba gamit mo?" Sumagot naman ako ng Oo, okay naman siya, akala ko noong umpisa baka may binabalak na masama kahit ako naman nagsabing sasakay ako.

After namin kumain sumakay na kami sa kotse.

Habang nasa byahe at tinuturo ko sakanya yung daan papunta kila ken hindi ko na napigilan ang pagiging feeling close ko haha.

"Pwede magtanong? Sino yung ham hahaha ang cute ng pangalan niya e" Cute kasi pagkain hihi

"Si ham? Fiancée ko, this april 30 sana ang kasal pero cancel muna dahil sa lockdown" Ikakasal na pala siya, kala ko kapatid niya lang

"Buti pinayagan ka niya umalis? di mo sinabi na may kasama kang babae"

"Hahaha syempre hindi yon papayag kapag nalaman niyang may kasama akong babae, di ko nalang sinabi dahil naaawa naman ako sayo" Ah ganon? sabagay nagpaawa ako sakanya

"Tsaka hindi niya alam dito, ang alam niya kapag pumupunta ako sa Batangas business matter yung ginagawa ko, pero kapag pumupunta ako dito chinecheck ko lang yung bahay na pinagawa ko kasi dito ko siya ititira after kasal namin" Buti pa tong lalaking to settled na lahat. Ang swerte ni Ham sakanya

"Ang swerte naman ni Ham sayo"

"Hindi rin haha nakilala ko lang siya last December 2019, family reunion ang my father announced na engage na ako, hindi ko nga alam saan nanggaling si Ham hahaha bigla nalang siya pinakilala ni papa sa lahat at maski ako hindi ko siya kilala" Hala? 2020 na uso parin pala yung arrange marriage?

"2020 na? uso parin pala yan?"

"Hindi naman hahaha hindi naman ako pinilit ni papa kasi after that kinausap niya ko, sabi niya kung ayaw ko eh wag ko ituloy, noong una ayaw ko dahil galing ako sa break up, Ham was there for me, ginawa niya lahat, sa loob ng 3 buwan nagustuhan ko siya pero hindi ako sigurado kung mahal ko na siya. Para sakin ceremony lang yang kasal, walang gaanong halaga, pwede ka naman mabuhay ng hindi kinakasal basta mahal mo ang isang tao"

Hindi ko alam ang sasabihin ko, syempre nasa pilipinas tayo. Alam nating lahat na sa Pilipinas ang kasal ay sagrado dahil yun na ang nakasanayang paniniwala nating mga kristiyano.

Pakakasalan kita, Anong pangalan mo?Where stories live. Discover now