Ikalawa

8 1 0
                                    

Pakakasalan kita, Anong pangalan mo?
By Jill-Azi

Sa maniwala kayo o sa hindi nakalabas kami! May dinaanan kami na may mga sundalo pero ang sinisita lang ay yung mga naka motor at walang helmet yey!

Gabi na kami nakarating ng Batangas at feeling ko pagod na siya kasi ko pagod na rin. Malamang siya nagda-drive kaya malamang pagod siya. Maya maya lang may tumawag sakanya, sinagot niya naman.

"Hello Ham?" Ang weird haha anong Ham? Baka gutom na siya.

"Hindi muna ako makakauwi, siguro mga ilang weeks dahil mahirap makabalik diyan baka mahuli na ako, muntik na kanina eh."

"Don't worry, dito muna ako sa Batangas, Oo ham haha take care! Bye." Iniisip ko kung sinong kausap niya, Ham ata talaga ang pangalan.

After niya i-drop yung call huminto kami sa isang bahay, malaki yung bahay para sakin, alam niyo yung malaki para sakin? Ibig sabihin non may hagdan haha, basta second floor malaki na saakin yun.

Bumaba siya sa car at pinagbuksan niya ko.

"Teka? Bakit tayo huminto?" This time nagtanong na ako. Jusko ka ana! Ngayon mo lang naisipan na baka ma-rape ka sa kagagahan mo!

"Bumaba ka na, dito muna tayo hanggang mamayang may araw na, diyan nalang naman yung pupuntahan mo kaya mabilis nalang yan mamaya." 2am na ng madaling araw, may choice ba ko? tama naman yung sinabi niya na malapit na.

"Hindi ba pwedeng ihatid mo muna ako? hehe malapit na pala e."

"Pagod na ako. Mamaya nalang, gusto kong matulog kahit ilang oras lang pwede ba yon?" Di na niya ako pinagsalita at dumiretso siya sa loob ng bahay, kinakabahan ako pero ang kapal na ng mukha ko diba? Konting pahinga lang hinihingi niya.

Ayoko naman matulog sa labas dahil baka magkasakit ako at hulihin ako. Pumasok din ako sa loob, Maganda yung bahay gusto niyo i-describe ko? May hagdan, may 64 inch T.V, kompleto ang gamit, pero may nagustuhan ako sa disenyo ng bahay. Modern wood design, ganito ang gusto ko sa bahay.

Umupo ako sa sofa, wala ng nagsasalita kaya sinara ko nalang yung pinto kasi malay mo may akyat bahay. Pumunta ako sa kusina para tignan kung may pagkain dito. Siguro naman hindi siya magagalit kung kukuha ako ng stock na pagkain.

Nakakita ako ng Coco crunch sa cabinet at Fresh milk sa ref, Gutom na ko, di man lang kami kumain huhu.

Pagka-upo ko doon ko lang nakita na may susi sa lamesa at may maliit na papel.

"This is the key for room #2, doon ka matulog"

Mabuti naman at dalawa akong kwarto kundi nakoooo! at mabuti na may susi, ilo-lock ko talaga yon baka may mangyari.

Sinimulan ko na kumain at naalala ko na hindi pa pala ako nakakapag online. Pag bukas ko ng data andaming chat sakin ni ken. Patay ako neto.

"Ana! Ano na?"
"Tigas ng ulo mo!"
"Kakainis ka!"
"Pag ikaw talaga may nangyaring masama sayo ha!"
"Bakit di ka nago-online? di ka nagtetext at tumatawag?"
"Ano ba?"

Andami niyang message kaya hinayaan ko nalang matapos lahat haha. tsaka ako nagreply, siguro tulog na to ngayon hmm.

"Kentot! haha okay lang ako, sorry di ako nakapag chat sayo, malapit na ko! hahaha sabi ko naman sayo magkikita tayo e, See you later! I love you!" Akala ko tulog na siya pero after ko masent yung yung message biglang nag-typing.

"Asan ka? di mo ba alam nag-alala ako? para ka namang tanga ana eh! di ka marunong makinig!"

"Sorry na nga e hahaha basta mamaya kikiss kita muwah!"

"Anong mamaya? Asan ka ba?"

"Basta! Surprise! Matulog ka na muna kentot mabantot! at mamaya magkikita na tayo hihi"

"Tumigil ka sa katarantaduhan ana ha. Di ako natutuwa"

"Hahahaha sige na kentot, out muna ako para maganda ako later wala akong eyebags!" Hindi ko na siya inantay magreply at in-off ko na ang data ko.

Inubos ko lang yung coco crunch ko, hinugasan ko narin tsaka ako umakyat sa kwarto. Napagod din ako kahit wala naman akong ginawa kundi umupo, Nakakatuwa at malambot ang kama at mga unan, siguradong mapapasarap ang tulog ko.

--X--

Hello! Vote, Comment and Follow if you love :)

Anyways, Naghahanap ako ng gagawa ng book cover for this story! Kindly message me please? I'll do the payments. Salamat!

Pakakasalan kita, Anong pangalan mo?Where stories live. Discover now