twenty-three

72 3 0
                                    

Monique's POV
Masyado akong kinakabahan sa mga nangyayari, at hindi ko alam kung anong magiging kasunod nito, base na rin siguro ng mga usap-usapang naririnig ko.

"Yes! may World War III na sa Mobster Academy!"

"Happy huh?"

"I'm so excited!"

Masikip ang daan papunta sa clinic dahil sa maraming estudyate ang gustong maki-tsismis sa mga nangyayari, lalo na ang mga nanood sa kabilang banda, kung saan daw-

"Master Jp shooted an arrow to Master Sean!"

"Are you sure? si Master Luke nga nabalian ng paa dahil sa kadayaang nangyari!"

Haist ayun na, pinagpapatuloy nila ang paulit-ulit na usapan.

"Sa tingin ko hindi pa tayo nakakarating sa clinic halos alam na natin ang sagot sa mga itatanong kay Sean," natawang saad ni Ralph.

"Don't worry masamang damu si Sean Wolfgang," nakangising sabi ni Luke.

"Hahaha!" natawa ang ilang mga kasamahang tumulong kay Luke, dalawa lang naman 'yong umaalay pero syempre kasamahan din yata ng mga 'to ang dalawa, Isang Hearts at Diamond ang tatak sa dalawang lalaking umaalalay sa kanya.

"Grabe talaga ang Clubs," wika ng isang kasamahan nila dito.

"Si Jax pa!" saad naman nung isa.

Sa Clinic

Nakita mismo ng dalawa kong mata na topless si Sean nang makarating kami doon, nakaupò sa isang upuan na kasalukuyan pang ginagamot ang sugat niya.

"Sean, Kumusta ka?" tanong nung isang athlete din, Nag-thumbs up lang ito.

"Rinig ko si Jp may gawa sayo ah."

"You're right!"

"Prof. Schein, si Luke din po," ani Ralph, sa isang Nurs yata 'to? pero bakit Prof.?

"Sure si Ivy na bahala sa kanya," wika ng tinawag nilang Prof. Schein, lumapit naman 'yong assistant niya yata kay Luke na pinaupò nila sa isang may sandigang upuan, at itinaas ang suot na Dobok uniform sa kanang parte ng paa.

"Sige Bro alis na kami," paalam nung mga lalaking tumulong sa kanya.

"Sige, salamat!"

"Oy Sean, Pagaling ka ha!"

"No problem!"

"Luke! ikaw din."

"Ohh," sabi nalang ni Luke saka umalis na sila.

Napatingin ako kay Sean na may masamang tingin sa'kin.

"Bakit nandito 'yan? Is she's your slave Luke?" sabay tingin ng seryoso ni Sean sa'kin.

"Oops! Tama na nga 'yan," pag-aawat ni Veronica.

"Pati ba naman dito mag-aaway kayo?" saad naman ni Charles.

"Ahhh, Ano- alis nalang siguro ako, Luke," paalam ko nalang sa kanya, saka ko inilagay ang gamit niya sa tabi niya mismo, tatalikod na sana ako nang hawakan nito ang braso ko.

"Dito ka lang," wika niya.

"Kasi ano-"

"Tsss," singhal ni Sean.

"Maupo ka Ms.?" tanong ni Prof.

"Monique po, Monique po ang pangalan ko," pakilala ko naman.

Mobster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon