Sa Pagkakataong yun ang nakuha ko na ang Susi ng Kulungan namin ni Viguro. Pinagpag ko at damit na Pinaggamitan ni Romeo dahil para may isuot ako At doon ay dahan-dahan kaming lumabas ng Silid at Isara ito. Pero kailangan kong makuha ang Korona ni Thelba na hindi ko pa alam kung saan yon nilagay ni Alexander
" Anong hinahanap natin dito? " Viguro
" Isang Korona. " Laura
" Korona? Korona na Kulay Ginto at Pilak?.." Viguro
" Oo.. May Ideya ka ba kung nasaan yung Korona na yun? " Laura
" Sa pagkakaalam ko nilalagay nila ang mga nakukuha nila sa Pasilyo ng Bahay na 'to. " Viguro
" Ilalim? Ibig sabihin may Basement dito?... Sandali. " Laura
Sa hindi kalayuan ay may mga naririnig akong nag-uusap na Kalalakihan nang sundan namin ang ting ay nanggagaling ito sa Pinakababang Bahagi ng Bahay, Baka ito na yung tinutukoy ni Viguro.
Marahan kaming bumaba sa Pasilyo na tinutukoy ni Viguro tanging Bumbilya lamang ang Ilaw at doon nga namin nakita ang mga ilang Kasamahan ni Alexander.
" Viguro... Pagsara ko nang Pinto alam mo na gagawin mo. " Laura
" Sige.. " Viguro
Maingat akong pumasok nang hindi nila namamalayan dahil nagtago ako sa mga Malalaking Kahon at mga Dram. Nakapasok na rin si Viguro nang hindi nila namamalayan kahit sa laki nito na nasa tantya ko ay 7 Talampakan.
" Isa....Dalawa....Tatlo!... " Laura
BLAGG!!!
Buong Lakas kong sinara ang Pinto at doon ay binigay agad-agad ang hudyat kay Viguro.
" Ngayon na Vigurooo!!! " Laura
" Huh!?! " Alexander's Guard
" Pati yung Halimaw nakatakas!!! " Alexander's Guard 2
" Patayin nyo!!! " Alexander's Guard 3
" GRAAWWRRR!! " Viguro
Dadamputin pa lang nila ang mga Baril ay naunahan na sila ni Viguro.
BRRRAAKK!! GRRAAKK!! BRRAAKK!!
Wala silang binatbat sa Bilis at Liksi ng Isang Arkan. Nagmistulang Kamatis ang mga Ulo nila sa tindi na pag-untog niya sa Pader.
Matapos ng mga Mabilis na tagpong yun ay agad ko nang hinanap ang Korona ni Thelba at hindi nga ako nabigo dahil nakita ko ito agad na nakahalo sa mga iba pang Relic na nakuha ni Alexander.
" Tumakas na tayo, Mama. " Viguro
" Sige, Sandali na lang, Anak.. Inaayos lang ni Mama ang iba ko pang dadalhin. " Laura
Nakakita ako ng Shotguns at Pistols at mga Magazine at Slugs para maging handa kung sakaling magkabistohan na sa Pagtakas.
" Boss! Si Laura nakatakas! Pati yung Halimaw!!! " Alex Men
" Magsikalat kayo! Kailangan ko ng Buhay si Laura! Kahit yung Halimaw patayin nyo na! " Alexander
Gaya na nga ng Iniisip ko. Nagkabistuhan na. Pero hindi pwede kaming manatili dito dahil walang bintana o iba pang Pintuan na lalabasan kungdi ang pinasok namin kanina kaya binilisan namin ang pag-alis sa Basement para hindi makorner ng mga alipores ni Alex. Pero sa Krus na pasilyo ay nagkabarilan na.
YOU ARE READING
THE UNTOLD JOURNAL OF LAURA COXX II
AvventuraStill.. The World is Full of Mystery. Atleast I Found Something Interesting...