5

1.4K 32 1
                                    

Nag lalakad pauwi si Seulgi ngayon, at iniisip nya ng mabuti ang mga salitang sinabi ni Lisa sakanya kanina. At tama nga ang tropa nya. Kelan ba nya aayusin buhay nya?

"Hays.." sa sobrang lalim ng iniisip nya, di nya namalayang may poste sa harap nya, at yun, saktong sakto at natamaan sya sa noo.

"Aray putang-" mura nyang sabi at hinawakan ang ulo nya.

"Tong poste na to eh, pahamak." Sabi nya at sinipa, dahilang sumakit naman ngayon ang kanyang paa.

"Apaka bobo ate Seulgi, apaka impulsive." Rinig nyang boses.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Seulgi habang minamasahe ang sumasakit sa kanya.

"Wala lang, napa daan." Sabi ni Yeji.

"Tara na sa bahay punyeta, hinahanap na siguro tayo ni mama." Sabi nya sa kapatid nya at pareho na silang nag lakad pauwi.

Di sila gaano ka yaman na pamilya, sila lang tatlo nila Seulgi ang members ng family nila, since iniwan na sila ng kanilang ama.

"Ma, pakuha nga ng ice pack.." Sabi ni Seulgi at umupo.

"Ano namang nangyari sayo?" Tanong ng kanyang ina.

"Wala ma, yung poste kasi dumaan." Sabi naman ni Seulgi, at nabatukan sya ng kanyang ina.

"Ikaw talaga Seulgi, dami mong kalokohan. Oh, ilagay mo na to sa noo mo, namumula na." Pagalit naman na sabi ni mama Kang sakanya.

"Yes ma. Good night, bukas punta nako sa trabaho ko." Sabi ni Seulgi at napa iling nalang ang mama nya.

"Anak, hindi mo naman kailan---"

"No ma, gusto kong tumulong. Ako na bahala, okay? Kaya ko naman pag sabayan school at work." Sabi ni Seul at kiniss sa forehead ang mom nya.

"Good night. Dalagang binata ka na nga." Sabi naman ni mama Kang at tumawa ng bahagya.

"Mama naman eh.." naluluhang sabi ni Seulgi.

"Yeji, lika dito."

"Ano po yun ma?" Sabi ng bunso at kitang kita na naluluha na din.

"Mahal na mahal ko kayo, at pag nawala na ako, you'll look after each other, okay?"

"Mom, sabi ko sayo hindi mangyayari yan, okay?" Sabi ni Seulgi habang umiiyak na. She hates it kapag laging nag sasabi ng ganyan ang mama nya.

"Basta, promise nyo sakin mga anak." Sabi ng kanilang ina, at tumanggo yung dalawa habang yakap yakap nila sya.

"We love you mom." Sabi ng dalawa at nag stay sila sa ganun na posisyon.

______

bully - SeulRene [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon