18

1.2K 29 3
                                    

It's now time for the slow dance, kung saan nag sasayawan mga magka partner, at nag mumukmok mga walang jowa sa sulok.

"Ano, wala kang balak sumayaw, princess?" Pabulong na sabi ni Seulgi, at ikinagulat ni Joohyun.

"Pota ka, nakaka gulat ka alam mo?"

"Sa kagwapuhan ko? Alam ko naman yun, princess." Natatawang sabi ni Seul at nag shot ng Tequila.

"Ewan ko sayo, nakaka inis ka." Sabi ni Joohyun at syempre, di sya nagpa talo at nag shot din sya. Medyo nahihilo na din sya since di sya heavy drinker.

"Kung ayaw mo sumayaw, mag usap nalang tayo, yung maayos, yung di nag aasaran."

"Coming from you? Hirap maniwala." Sabi ni Joohyun at tumawa si Seulgi. 

"Oo nga, tara sa labas. Kung gusto mo, hatid pa kita sa inyo, patapos naman na din to. Mag lakad tayo papunta sainyo while talking about random things."

"Fine." Sabi ni Joohyun, at kinuha hand bag nya.

Nag paalam na muna sila sa mga kaibigan nilang nasa dance floor.

"Ingatan mo pinsan ko Seulgi ha! Babalatan kita ng buhay pag nagka gasgas yan!" Sigaw ni Jen at tumawa silang lahat.

____

"So... how have you been?" Simula ni Seulgi, looking at the starry night.

"Hm, honestly? Ayos lang since walang nangungulit sakin." Sabi ni Joohyun at napa tingin sakanya si Seulgi.

"Sabi ko walang asaran."

"Whatever, pero yun nga felt kinda peaceful."

"I see."

"Ikaw, bat ka nawala ka bigla?" Tanong naman ni Joohyun.

"Straightforward natin ah? Well I think nasabi naman ng school diba? I had some family problems, so yun, I couldn't really go to school." Sabi ni Seulgi at tumanggo nalang si Joohyun.

"Musta naman mga tropa? Were they still the same or something changed?" Tanong ni Seulgi.

"Hm.. something changed. Your influence on them is hard, kaya medyo nawala yung bond nila sa school." Sabi naman ni Joohyun, na ikinagulat naman ni Seulgi.

"Bat naman?"

"Nag sisisihan sila, like di ka nila matulungan, ganun."

"Hay nako, mga ungas talaga." Sabi naman ni Seulgi, at tinignan ulit si Joohyun.

Napa tigil sila at tumingin muna sa paligid si Seulgi.

"Nandito na pala tayo." Sabi nya at tinuro ang mansion nila Joohyun.

"Oh.. right. Uhm.. thank you sa pag hatid, Seulgi. See you?" Sabi naman ni Joohyun, at nag simula mag lakad papuntang main door.

"You're welcome!" Sigaw ni Seulgi at tinitigan nya ang backside ni Joohyun na papasok ng mansion nila.

Paalis na sana sya nung makita nyang umiiyak si Joohyun at lumabas ng bahay.

______

bully - SeulRene [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon