10

1.2K 33 13
                                    

"Ma! Aalis na po ako!" Masiglang sabi ni Seulgi at umalis papuntang work.

Mag aalas dose na at magsisimula yung shift nya at 12.30, malapit lang din naman yung cafe sa kanila, kaya dahan dahan lang sya nag lalakad, habang nakikinig sya sa Hey Barbara ng IV of Spades.

Naka mask ngayon si Seulgi, since nag iingat sya ngayon, ayaw nyang may maka alam na nag papart time job sya.

Palapit ng palapit si Seulgi, at liliban nalang sya sa kabilang side, to arrive sa cafe but nabigla sya nung may makita syang pamilyar na figure.

"Princess?" Bulong nyang sabi, at tinignan ang babaeng pasakay sa isang kotse.

"What the.. anong ginagawa nun dito?" Sabi nya.

"Uy Sulgeh! Pasok na!" Tawag sakanya ni Saeron, isa sa mga katrababo nya.

Nagulat naman sya, at nagmadaling pumasok.

"Gago, bat nandito yun?" Tanong ni Seulgi habang nag lalagay ng apron.

"Sino? Yung pamangkin ni boss?"

"Ha? Sya ba-- gAAGOOO." Laking matang sabi ni Seulgi, habang narealize nya na si Joohyun yung tinutukoy na pamangkin ni Yoona.

"Anaknampota, sya pala yung sinasabi ni boss na kaiskwela ko." Sabi nya at napa face palm.

"Bakit.. kilala mo ba yun.. ganda nga eh hehe, chix sana kaso stuck to Yeri to my pren." Sabi ni Saeron at kumindat.

"Kayo talaga ang babata pero lakas lumandi din eh no?" Sabi ni Seulgi at nag simula na mag kuha ng orders.

_____

"See you next Sat, pareko'y!" Siglang sabi ni Saeron, at umalis na ng cafe.

Tumanggo nalang si Seulgi at dumiretso pauwi, since tapos na din shift nya.

Medyo mag gagabi na din, at naisipan nyang bumili ng pagkain at flowers para sa mom nya.

"Uhmm.. yellow tulips po. Yes, awesome.. thank you." Sabi nya, at nakapag bayad na sya. Paalis na sana sya nung tumawag si Yeji.

"A-Ate.."

"Yej? Ano? Bat? Anong meron?" Mabilis nyang tanong.

"Please deretso ka ng hospital.. si mama.."

"Tangina. Aling hospital? Dederetso nako dyan." Tanong ni Seulgi at nag madaling umalis ng flowershop, dala dala ang mga binili nya.

_______

bully - SeulRene [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon