CK POV
Hello Philippines!! Im back!!
Naisip ko agad si Nina. Naaalala pa kaya niya ako. Sana hindi siya galit sa akin or magtampo man lang. Biglaan lang kasi ang pagalis namin ni mommy sa US at hindi man lang ako nakapagpaalam.
Pat- CK!! Tol, kumusta?! (fist-bump)
CK- Ok naman bro. Ikaw, musta?
Pat- Ok din naman. Sa bahay na lang tayo magkwentuhan, hinihintay ka na nila mommy. Mukhang excited yon sa pasalubong mo.. Hahahaha
Tinulungan ako ni Patrick sa mga maleta ko at sumakay na kami sa kotse niya. Pagdating namin sa bahay nila (yes, dito muna ako makikitira pansamantala habang inaayos pa nila ang turnover sa condo ko) Masaya akong sinalubong ni Tita Valerie - kapatid siya ng mommy ko (beso2x), Tito Michael (beso2x din) at Queenzy.
Q- Kuya CK!! (binuhat ko saglit sabay kiss sa cheeks)
Val- Wow CK ang tangkad mo na ah!! Binata ka na talaga.. Siguro madami ka ng pinaiyak na Tisay!! Anu may girlfriend ka na ba ha?!
Tinawanan ko lang si Tita Val.
CK- wala pa po.. Mas gusto ko pa din Pinay (wink)
Val- anu ba yan! Bat ang hina niyo ni Patrick pagdating sa girls! Itong pinsan mo wala pa rin pinakikilalang girl dito maliban sa bestfriend niya.. Eh ang di ko maintindihan ang gwagwapo niyo naman, wala atang pangit sa lahi natin ah tpos mababait pa.. Baka naman gusto niyo babae pa ang manligaw..
Pat- Mom! Pagsaway ni Patrick sa mommy niya, napakamot na lang siya sa ulo.
Mike- Tama na nga yan Val, magmeryienda muna tayo.. Kararating lang ni CK baka pagod pa yan sa biyahe para makapagpahinga na din ang bata.
Habang kumakain sila, pinamigay ko na ang dala kong pasalubong. LV bag for Tita Val, Rolex watch for Tito Mike, rubber shoes for Pat and unicorn stuff toy for Queenzy. Tuwang-tuwa sila lalo na si Queenzy paborito niya kasi ito (puno ng unicorn collections ang room niya).
Q- thank you kuya CK!! The best ka talaga!! (sabay kiss & hug)
Pat- Ahem! Ahem! (giving Queenzy a paano naman ako look pero tumawa lang eto)
Val- Oh Pat samahan mo na si CK sa room mo, at doon ka muna matulog sa kwarto ni Enzy.
Ck- Ok lang ba bro?
Val- Naku CK wag ka nang mahiya.. Nirerennovate pa kasi ang guest room.
Pat - Ok lang tol, miss ko na din namang makatabi si bunso ( sabay kurot sa dalawang pisngi ni Queenzy)
Sinamahan ako ni Patrick sa kwarto niya.
Pat- Cge tol pahinga ka na.. Feel at home ha.. At sinara na niya ang pinto.. Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto at may napansin akong picture frame sa tabi ng kama. Kinuha ko ito at pinagmasdan ang larawan pero nakatuon lang ang mga mata ko kay Nina. Maya-maya ay may narinig akong musika. (piano playing) pumunta ako sa may bintana at nakita ko siya nag-piano.. (music playing is Rewrite the Stars)
"No one can rewrite the stars
How can you say you'll be mine
Everything keeps us apart
And Im not the one you were meant to find. Its not up to you
Its not up to me
When everyone tells us what we can be
How can we rewrite the stars
Say that the world can be ours tonight"Makikita mo sa expression ng kanyang mukha ang passion niya for music. Feel na feel niya ito while playing the piano tapos kumanta siya..
"All I want is to fly with you
All I want is to fall with you
So just give me all of you
It feels impossible
Is it impossible
Say that its possible"Bigla siyang napatingin sa direction ko, kaya nagtago muna ako sa kurtina.. Nasabi ko sa sarili ko, ang galing niya. She has an angelic voice. Di ko alam na may ganitong talent pala si Nina. Napangiti tuloy ako. Anu ba itong nararamdaman ko? Nahuhulog na ba ang loob ko sa kanya? Siguro naman hindi pa huli ang lahat.. Mababalik ko pa naman ang friendship namin.. Mas lalo ko pa siyang gustong makilala.. Ngayon nandito na ako, Im here to stay for good. Sumilip ulit ako sa bintana pero tumigil na siya sa pagtugtog, nagring ang phone niya at kinuha ito.. Kaya bumalik na lang ako sa kama at inayos ang gamit ko.