Chapter Five

105 5 3
                                    

CK POV

"Goodnight Charles"  still echoes in my ear.. Tinawag niya ulit akong charles.. Di tuloy maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi. May kasunduan kasi kami noon na dapat iba ang tawagan namin sa isat-isa. She's called Nina by her friends but I call her V. I am known as CK but only she calls me Charles. Ang sarap lang  pakinggan ang napakalambing niyang boses.

Actually, hindi naman talaga ako tulog kanina. Nagising kasi ako nung magsalita siya pero hinayaan ko muna. Na-curious ako kasi bakit niya ako hinahanap? Napaguusapan ba nila ako? Wala naman nababanggit sa'kin si Patrick, ni update nga about kay V wala. Kaso mukhang nagseselos ata ako. Ganun na ba sila ka-close para dito sa kwarto tumambay? Gaano kadalas kaya? Hayyy ayaw kong magisip ng masama. Kahit papano kilala ko si V. Di siya ganun klaseng babae. Alam kong mabait siya at dalagang Pilipina.

Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang Instagram. Follower niya ako under a dummy account. Nagdeactivate talaga ako sa social media siguro 2nd year high school pa ang last post ko sa FB. Napagawa lang naman ako ng account sa IG kasi nakita ko sa FB ang tagged photo niya with her username. Stolen shot yon, nasa beach siya.. nafeature siya bilang most number of likes sa fieldtrip nila. Bihira lang din siya magpost pero pag meron number one liker niya ako. Yes, inaccept niya ang following request ko. Mostly inspiring quotes and beautiful sceneries ang laman ng post ko kaya siguro hindi siya nagduda na poser ako kahit wala akong ibang following kundi si V lang.

Kinabukasan, maaga akong gumising para maghanda sa first day of school. Matapos ko maligo, magbihis, magpabango lumabas na ako sa kwarto. Nagkasalubong kami ni Pat.

Pat- Ang aga mo 'tol.. Nakatulog ka ba ng maayos?
Ck- Oo naman.. Ang sarap ng tulog ko..
Pat- Tara na sa baba at magbreakfast na tayo.. By the way, sasabay sa' tin si Nina. Naaalala mo pa ba siya? Schoolmate mo siya dati..

Flashback..

Kakalipat lang nila Patrick sa isang subdivision kaya naghost si Tita Val ng house warming party and blessing na din. Siyempre invited kami, pagdating namin dun ang daming tao mostly mga business partners nila sa construction firm and new neighbors. Hinanap ko si Patrick. Nakita ko siya kasama si Tita Val na may kausap na mag-ina parang pinapakilala sila sa isat-isa. Mukhang mahiyain ang batang babae na halos di na makita ang mukha sa pagpulupot sa braso ng mam niya. Nag-mano muna ako kay Tita Val, pagharap ko napangiti ako nang makita ko si V.

Ck- Hi! Nandito ka pala?
Pat- magkakilala kayo?
Ck- Yes, were schoolmates..
Pat- Ako nga pala si Patrick.. Tara lets play!! (at kinuha niya ang kamay ni V at hinatak palabas sa pool)

End of flashback.

Sa hapag-kainan,

Q- ang gwapo mo naman kuya CK!!
Pat- ahemm, Bat ako hindi ba?
Q- Siyempre naman kuya! Kapatid kita eh.. Pero ito kasing si kuya ck parang may liligawan sa suot niya sa school. Hehe (panunukso niya sakin)
Ck- hahaha.. Kaw talaga Queenzy ang bata-bata mo pa para diyan. (ginulo ko ang buhok niya)

Simple lang naman ang suot ko, white long sleeves na nakafold hanggang siko and black pants. Hinintay ko na lang sila sa sasakyan. Sinundo pa kasi ni Patrick si V. Dito na lang ako umupo sa backseat at naglaro ng ML.
Napatingin ako nang pagbuksan ng pinto ni Pat si V. Para ata akong natulala ng makita ko siya. Napangiti ako nang makita ko ang suot niya. Pareho kami. Destiny ba ito. Is this a sign? Hmmm 💜

Abangan..

We and Us Where stories live. Discover now