Nina POV
Inirapan ko siya bago buksan ang bintana...
V - Pambihira naman oh! Bat ka ba naggugulat?!
Ck- Sorry! Sorry na.. (binigyan pa ako ng nakakalokong tingin)
V- Anong ginagawa mo dito? Alam ba ni Tri nandito ka?
Ck- Wow, so kelangan ko pa pala magpaalam kay Patrick para pumunta dito? Anu ba kayo?
V- Ha?! (kunot noo kong sabi)
Ck - Ang sabi ko, di ba may assignment tayo? Pahiramin kita sa notes ko tapos pa kopyahin mo ako sa sagot mo.. Pwede ba yon? (palambing pa niyang sambit)
V- Ayoko nga! Ano ka sineswerte?! Tawagan ko na lang si Belle...
"Gagong to!" sabi ko sa sarili, may gana pa siyang tumawa "Anong akala niya sakin sekretarya!!" Hmmmmp!
Kinuha ko ang cp ko..
"Oh no, bakit ayaw mag-on.."
Dali-dali kong kinuha ang charger ko, tapos sinaksak sa outlet..
"Patay na.." Napakamot ako sa ulo..
Ck - Oh anong nangyari?
V- Kasalanan mo to! Kung di ka nanggugulat diyan, eh di sana okay pa tong phone ko! (pagdadabog ko sa kanya)
Bakas sa mukha ni Ck ang pagalala.. Mukhang nataranta ata siya..
Ck- Sorry na (pagmamakaawa nito) Dont worry, bukas na bukas din sasamahan kita sa mall, pa repair natin phone mo.. Ako na ang bahala..
Uhmm, in the meantime mag assignment na muna tayo.. Joke lang naman yon kanina.. Eto oh..Inabot niya sa akin ang phone niya..
Ck- Wag ka nang magalit.. Please.. (pakiusap niya)
Kinuha ko ang phone niya ng padabog..
Ck - Oopps... Dahan-dahan naman, baka phone ko naman ang malaglag..
Seeing his reaction, naisipan kong biruin siya.. Ilalaglag ko kunwari phone niya.. Dali-dali siyang napaluhod para saluhin ito. Di ko maiwasan napatawa ng malakas. Nakakatawa talaga hitsura niya..
Ck- Ah ganun, gantihan to! (Napakagat siya sa kanyang labi)
V - Sikeyyy
Napaatras ako ng konti, tapos bigla na lang niya akong kiniliti sa beywang (alam niya pa rin kahinaan ko) hanggang sa matumba kami pareho sa kama ko.
Nagkatitigan kami. Napalunok ako ng makita sa malapitan ang mukha niya. Ganun kami kalapit sa isat-isa na parang gusto kong bilangin lahat ng nunal niya. Bigla kong naalala ang sitwasyon namin, nakapatong pala ako sa kanya. OMG! Dali-dali akong tumayo at nagtungo agad sa study table ko. Napa-upo naman si Ck sa kama..
Ck- Im sorry..
Tapos nilapitan niya ako..
I tried to compose myself para di maging awkward..
V- Ano tatayo ka na lang ba diyan?
Sabi ko sa kanya pero di ko siya nilingon..
V- Magsimula na tayo...
Kinuha niya ang isang upuan at umupo adjacent to me and di na rin nagsalita..
Binuksan ko ang laptop ko pati na rin yong notes ko at nagstart ng magresearch. Kinuha naman ni Ck ang phone niya.
CK POV
Habang busy sa pagresearch si V, sekreto ko siyang kinunan ng litrato gamit ang phone ko. Tapos pinost ko sa instagram account ko with caption "ANTR💜"
* see translation A Night To Remember💜
Di ko maiwasan mapangiti habang inaalala ang mga nangyari kanina lang. 😊
_______
Sorry short update... Medyo busy lang.. Babawi ako next time😍💜