Chapter 7

10 0 0
                                    

Third person POV

Hindi niya na sana iyon papansinin ng bigla itong nagsalita sa likod niya...

"Be careful" malamig na sabi nito sa dalaga

Napasinghap naman si Alexis dahil sa pagkabigla at napakunot ang kanyang noo. Siya ang bumangga sakanya at kung alam naman pala nitong mababaga siya bakit hindi ito agad umiwas?

"Sorry" paghihinging paumanhin ng dalaga


Ayaw niya ng palakihin ito kung kaya ito nalang ang humingi ng paumanhin sa binata, gusto na din kase niyang umupo medjo nahihilo na din siya mababa kase ang alcohol tolerance niya kaya naman agad siyang nalalasing kahit konti palang ang kanyang naiinom.


"Tss" ani ng binata at bigla nalang itong umalis

'Napakasuplado naman non!' Ang nasa utak ni Alexis.


Dala na din siguro ng alak inis siyang naglakad papunta sa pwesto nila kaninang magkakaibigan at pagkaupo niyo agad niyang pinikit ang kanyang mga mata para pakalmahin ang sarili.



Ewan ba niya ang laki ng epekto nung lalaki sakanya na ganito siya kainis don, eh hindi naman ganon kalala yung nangyari, in fact walang wala yung nangyari sa mga taong nakakasalamuha niya noon.


Habang nakapikit siya hindi niya namalayan na bumalik na ang kanyang mga kaibigan na bakas ang kasiyahan sa mga mata nila. Nagtataka naman nilang tinignan ang kaibigan na naka kunot ang noo habang nakapilit.

'Problema nito?' -Suzy

'Huwag mong sabihin lasing na naman agad ito, ano ba yan gurl' - Isha



'Next time nga lagi ko tong isasama sa bar ni kuya para masanay nang hindi agad nalalasing' -Nerissa



Nasa isip ng mga kaibigan niya.




Nilapitan naman siya ni Isha at gaya ng lagi nitong ginagawa pumwesto siya sa gilid at hinipan ang tainga nito. Nagtawanan naman silang magkakaibigan dahil sa naging reaksyon nito. Biglang kasing tumayo na parang hindi lasing at parang handa itong lumaban. Minsan talaga may pagkaweirdo si Alexis kapag nalalasing at lagi din itong napagtritripan kapag lasing kung kaya lagi itong naiinis kapag bumabalik na siya sa katinuan



Ikaw ba naman pagtripan ng mga kaibigan mo sinong hindi maiinis?


"Laughtrip ka talaga girl HAHAAHAHA" Natatawang sabi ni Isha. Sinamaan niya naman ng tingin ito



"Tss. Sana napasaya ko ang gabi niyo" sarkastikong sabi nito sa mga kaibigan sabay irap



"You really did gurl HAHAHAHA" at muling nagtawanan ang magkakaibigan sinamaan naman sila ng tingin ni Alexis ngunit hindi nila ito pinansin at sa huli nakitawa nalang din si Alexis wala kayong magagawa baliw sila eh

Dahil sa tawa nilang magkakaibigan hindi nila alam na nakakakuha na sila ng attention sa mga tao sa Bar hindi dahil sa maingay sila kundi dahil sa sarap ng tawanan nilang magkakaibigan idagdag mo pa na nakakabighani silang panoorin habang tumatawa. Hindi nila namalayan may grupo ng mga kalalakihan ang papalapit sakanila

"Hey ladies, Ang sarap naman ng kwentuhan niyo pwedeng sumali?" Ani ng binata.

Nilingon naman nilang magkakaibigan ang nagsalita at napataas ang kanilang mga kilay ng nakita nila ito.

"Hindi, Sino ba kayo? Bakit nakapasok kayo dito sa bar " Masungit na sabi ni Nerissa


"Grabe ka naman babe malamang costumer kami dito" sabay akbay nito kay Nerissa


Bonfire Heart SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon