TITLE: The survivors' love story
.......................
Naku naku naku! Kukulitin na naman ako ng lalaking yun. Aish! Kailangang di niya ako makita.
Nandito ako sa likod ng school at nagtatago baka inaabangan na naman ako ni Poi.
Sana di niya ako makita. Huhu!"Ako ba pinagtataguan mo?"
"Ay kalapabo!" gulat kong sabi
Paanong nandito siya?
"Bat ba kasi nandito ka sa likod ng school?"- Poi
"Wala ka na dun," inis kong sabi.
"Ang sungit mo naman. Aminin mo na kasi, pinagtataguan mo ako. Wag kang mag deny kasi wala kang manliligaw. O baka may kaaway ka?"- nakangiting sabi niya
Ang sakit namang magsalita ng taong ito. Oo inaamin ko wala akong manliligaw. Kasi pag bitter ang girl nilalayuan ng boys. Mabuti nga yun eh walang estorbo hahaha!
"Oo may kaaway ako" sabi ko kahit wala.
"Eh sino naman?" tanong niya.
"Ikaw!" sigaw kong sabi sa tapat ng mukha niya.
"Well kung ganon pala, eh ang cute mo palang awayin" ani niya.
Kaasar! Ayaw ko sa mga makukulit at mapang-asar.
"Anong cute ha?"- ako
Oi aba tinalikuran ako at sumisipol-sipol pa.
"Hoy wag mo kong talikuran," sigaw ko.
Tinaas niya lang ang kamay niya na nag we-wave habang naglalakad palayo.
Hmmmm! Kutong lupa! Kupal! Papansin!Lahat ng lalaki dapat iniiwan din. Hayyyst!
Kainis! I have a bitter past with my ex kasi.
......... kinabukasan
Naglalakad ako papuntang school kasi walking distance lang naman ng may biglang pumara na sasakyan.
OMG! Ano to?
May malaking lalaki na lumabas. As in malaki parang wrestler siya. Nakakatakot. Huhu!
"Kuya wag po maawa ka sakin huhuhu!" takot kung sabi.
"Sumama ka sakin,"mahinahon ngunit nakakatakot na sabi niya.
Eh paano, ang laki niya kaya.
"Kuya naman eh! Papasok ako sa school, malelate na ako," sabi ko na sinusubukang wag matakot.
"Sigi na pasok na. Wag makulet! Sasama ka sakin kundi... Isa, dalawa, tatl..."
*tug dug tug dug tug dug*
"Eto naman si kuya nagbibilang pa. Sigi na sasama na," agarang sabi ko.
No choice si ako baka ma-chugi ako ng di oras.
"Natakot ka ba?"
"Ay pakyu ka!" gulat na usal ko.
Isang pamilyar na boses lang naman ang narinig ko. Sino pa nga ba kundi si Poi.
Naka smile pa ang kumag habang nakasandal sa upuan at may travel neck na suot.
"Oooh F! Gracious! May saltik ka ba ha? Papatayin mo ako sa takot?" galit kong sabi.
Siya ang dahilan kong bakit tumatalon sa kaba at takot ang puso ko.
"Shhhh wag kang maingay baka hindi na kita iuwi sa inyo," sabi niya.
Kung alam ko lang na siya ang may- ari ng sasakyan na'to eh sana di ako nag aksaya ng oras sa walang kwentang taong ito. Di ko alam na may new car at butler siya. Ang yaman lang!
BINABASA MO ANG
The Survivors' Love Story
General FictionLove wins. Love conquers all. Love prevails.