~
Ilang beses nang nabuo ang pagsuko at ang pagbitaw sa pagkakapit mo sa kamay ko, Ilang beses nang nabuo ang pagtalikod mo sa tuwing binabalik ka ng mga alaala sa nakaraang pagkamiss mo, Ilang beses na tayong muntikan matalo ng mga pangyayare sa noon pero, Hinding hindi tayo bibitaw ng dahil lang sa mistulan silang hangin na hindi mo makita kita at bigla nalang yayakap sa gitna ng kaligayahan pero, hindi tayo magmimistulang bingi sa ingay ng nakaraan.
Patuloy tayong kakapit sa kwento ng kasalukuyan,
Dahil wala na muling makakapigil sa nararamdaman nating 'to,
Dahil mas matimbang ang mga titig ng walang pagaalinlangan, ang mga yakap na walang sapilitan at ang mga hawak na wala nang pagbitaw .
Mananatili ako, kahit pilit kang nililingon ng nakaraan.
Patuloy tayong makikinig sa tug-tog.. tug-tog ng dibdib,
Patuloy tayong sasabay sa hangin ng himpapawid at lalangoy sa alapaap ng pagibig,
Patuloy tayong sasabay sa pagindak ng mga sanga at sa paghuni ng mga dahon~
Patuloy tayong sasang-ayon, sa ningning ng mga bituin na mistulang mga ngiti natin.
Asahan mo, nakayakap padin ako sayo hanggang sa ang pagsuko at ang pagbitaw ay anurin papunta sa nakaraan mo.Asahan mo, Sabay tayong tatalikod sa pagdidikta ng mundo.
Yakapin mo ako ng walang pagsuko,
At yayakapin kita ng walang pagbitaw.
-Ginoong Elay
***I hope you like it mga ka-unspoken feelings**
Dont forget to follow me and vote for my piece! 😇
#NoToPlagiarism
BINABASA MO ANG
KAHIT ILANG BESES KANG SUGATAN NG PLUMA, SUSULAT KA!
PoetryNaniniwala ako, Na sa kabila ng mga pagkadurog sa pait ng kahapong sinapit ng pusong handa naman sumugal sa mga pwedeng mangyari, darating ka pa rin sa punto na kahit gaano ka kahanda sa muling pagsuong sa baha, sa sakit, sa mga lapnos, sa mga bubog...