Limang milya patungo sayo,
Sampung tao bago ako,
Pinukaw ng mga ngiti mo ang mga pagsulyap ko,
Napangiti ako, hindi kona mapigilan ang bilis ng epekto na para bang walang katapusan ang pagtitig ko sayo.
Iniwas ko ang mga tingin, sinubukan kong pigilin ang pagkurba ng mga labi.
Hindi, hindi kona mapigilang maging masaya.
Puso na ang nagiisip para sa utak,
Utak na ang tumitibok para sa puso.
Hanggang sa ipinikit ko ang mga mata at naramdaman ng puso ang muling pagsulyap nito, sayo.
Tila tumama ang mga mali,
Naramdaman ng puso ang pagtibok,
Naisip ng utak sa muli nitong pagkahulog.
Eto na nga,
Lumakad ako,
Hanggang sa, isang hakbang patungo sayo,
Isang tao bago ako.
At ikaw ang taong nasa harap ko
Nasa puso ko,
Nasa isip,
Nasa mga ngiti,
Nasa parating panalangin,
Na mahal na mahal ko.
Ilang planeta man ang dumaan sa paligid ko, ikaw parin ang pipiliin ko.-Ginoong Elay
BINABASA MO ANG
KAHIT ILANG BESES KANG SUGATAN NG PLUMA, SUSULAT KA!
PoetryNaniniwala ako, Na sa kabila ng mga pagkadurog sa pait ng kahapong sinapit ng pusong handa naman sumugal sa mga pwedeng mangyari, darating ka pa rin sa punto na kahit gaano ka kahanda sa muling pagsuong sa baha, sa sakit, sa mga lapnos, sa mga bubog...