KAINO’S P.O.V
I saw Cassie walking alone while I'm with Chelsea.
Agad namin siyang nilapitan at nag-usap silang dalawa habang nananatili akong tahimik sa tabi ni Chelsea. Alam kong napansin n’yang magka-hawak kami ng kamay, hindi ko alam kung nasaktan ko ba siya pero wala na akong maaaring magawa pa dahil she told me not to bother her anymore, kaya ginawa ko ang pinapagawa niya kahit masakit.
Hindi ko nagawang tumingin sa kanya o kausapin man lang siya dahil ayaw na ayaw ni Chelsea ‘yon.
Nagpaalam na sila sa isa’t isa at tuluyan na nga syang naglakad papalayo. Nilingon-lingon ko s’ya sa likod ng mapansin ito ni Chelsea.
“Babe, are you alright?” pagtatanong niya.
“Yes, I’m fine. Let’s go?” pagyayaya ko sa kanya.
“Hmm... Okay then,” saad niya at pumunta na kami sa aming pupuntahan.
Nang makarating kami rito ay agad siyang napasigaw sa tuwa.
“Wow, babe! This place is wonderful, thank you for bringing me here. I love you, babe,” saad niya at niyakap ako ng mahigpit.
“Always Welcome, babe,” maikling sambit ko at niyakap siya pabalik.
Mahigit isang oras kami naririto hanggang sa nakaramdam siya ng antok.
“Babe? Can we go home now? I kinda feel sleepy.”
“Sure. Let's go. Magpahinga na muna tayo, napagod na rin ako, e.”
“Hmm,” maikli niyang sambit at agad kaming umalis.
Nang makarating kami sa bahay ay agad siyang pumunta sa kwarto at natulog. Habang nandito pa rin ako sa sala at tinitignan ang mga litrato ni Cassie. Pinipigilan kong hindi tumulo ang aking mga luha ng bigla kong naalala ang mga salitang binitawan ni Cassie noon, “Hindi ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda...” naramdaman ko na lamang na tumutulo na pala ang mga luha ko ng maalala ko ang aking nakaraan.
I just found myself na mas mahal ko pa rin pala si Cassie kahit may kami pa ni Chelsea.
Habang pinagmamasdan ang mga litrato ni Cassie, bigla siyang tumawag kadahilanang mapangiti ako ng napakalaki.
Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko baka nagsalita.
“Hello?” pagtatanong ng nasa kabilang linya.
“Hello, Cassie? Bakit ka napatawag?”
“Um... Gusto ko lang sabihin na pupunta na ako ng Thailand for travelling and to forget the past memories. Salamat sa lahat, Kai. Mamimiss kita. Goodluck sa inyo ni Chelsea. I wish the best of luck for the both of you. Bye,” saad n’ya upang tumulo muli ang aking mga luha.
I slowly put down my phone and started crying hard.
“Mahal pa rin kita, Cassie. Salamat sa lahat...” saad ko sa sarili ng may biglang nagsalita mula sa likod ko.
“Sino yang kausap mo, Kaino?” biglaang tanong nito kaya agad kong pinunasan ang aking mga luha at tumingin sa likod. “Is that Cassie?”
“H-Hindi,” utal kong saad.
“Stop lying, Kaino. I know its Cassie. I thought I told you na hindi mo na s’ya p’wedeng kausapin? I thought we’re clear? Why didn't you follow me? Akala ko ba may isa lang salita? Pero ano ‘yang ginagawa mo, ha?" sunod-sunod niyang pagtatanong.
“A-Ano kase, tumawag s’ya para—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumingit.
“What? She called you? Bakit mo naman sinagot? Tanga ka ba, Kaino?! Malalagot siya sa akin bukas! Humanda ka Kaino for the war that will happen between me and that haliparot.”
YOU ARE READING
Loving You From Afar Is Enough (COMPLETED)
RomanceMeet Cassie. Cassie is a girl who won't give up, she has the guts to do everything. She's strong but when it comes to love, she's weak. She can't even fight back. She came from a poor family that is why she needs to keep working for her and for her...