Haelly's POV
"Ayaw mo talagang patalo ha?ani Crystian. Hindi ko naman siya agd sinagot at lumabas kaming sabay sa store.
"Syempre sinong gustong magpatalo sa higad na yan?" Inis kong sabi tsaka tumakbo sa isang game zone. Mabilis akong nagtungo sa isang claw machine dahil mayroong ice bear sa loob non.
"Gusto mo yan?" Tanong ni Crystian,ibinaba ko naman ang mga pinamili ko at idinikit ang ulo sa bubog ng claw machine at parang batang tumango-tango.
"Just wait for me here pipila lang ako at kukuha ng tokens" gaya ng sinabi niya,pumila nga siya,hindi naman ganon kahaba ang pila kaya naman mabilis din siyang nakabalik.
"Pag nakuha mo yan hindi kita aawayin or susungitan ng three days" nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Promise?" Nakangiting tanong niya ng nakaabang ang hinliliit.
"Promise" nakangiti ring sabi ko at inabot ang hinliliit niya gamit ang hinliliit ko din. Ganon kami mag-promise bat ba?
"Dahil diyan sa sinabi mo,naganahan tuloy akong kunin to" bahagya naman akong natawa dahil sa sinabi niyang yun.
Nakailang try pa siya,at ngayon last try nalang dahil ubos na ang tokens namin.
"Medyo upper pa,tsaka usod mo din sa right" sabi ko at hindi ko namamalayang halos magdikit na ang mga mukha namin. Napakagwapo niya. Yung nga makakapal niyang kilay,mahahaba nuyang pilik mata,his brown eyes,yung maliit ngunit matatangos niyang ilong,at higit sa lahat,yung glossy red lips niya,kung hindi ko lang siya bestfriend iisipin kong bading siya kung basehan ay ang labi niya. Agad naman akong natigilan ng ngumiti siya.
Nakakainis naman kasi tong matang to,hindi mapirme kung saan-saan nag-lalakbay.
"I-i'm sorry"nakatungo kong sabi at dahan dahang nag angat ng tingin sa kaniya malaki kasi siya sa akin ng konte.
Ngumiti lang siya at iniabot sa akin ang ice bear na stuff toy na gustong gusto ko. Hindi ko naman namalayan na nakuha na niya pala yon dahil sa pagtitig ko sa kaniya.
Kumulo naman bigla ang tiyan ko at hindi ko inaasahang mapapalakas yon. Inis akong tumingin sa wrist watch ko upang tingnan ang oras,hindi ko namamalayang 6:00 pm na pala.
"So I guess kumain muna tayo bago umuwi?" Patanong niya sabi nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya ng makitang nakatingin sa akin ang mga tao malapit sa amin dahil sa lakas ng kulo ng tiyan ko. Inis ko naman siyang tiningnan at dali daling lumabas ng mall. Hinanap ko ang kotse niya at inis na naghintay sa labas non dahil hindi ko na naisip na wala nga pala akong susi.
Tss bobita.
"Hey, sabi ko kumain muna tayo"hingal na hingal niyang saad. "Grabe Ly-ly sa lahat ng mga taong nakakasalamuha ko ikaw ang pinakamabilis mag lakad."
"Iba ang lakad ko kapag wala ako sa mood,iba rin takbo ng isip ko kapag naiimbyerna ako kaya kung ako sayo buksan mi na ang pintong to at ihatid mo nako" seryoso kong sabi sa kaniya. Totoong nawala ako sa mood bukod kasi sa napahiya ako ay nagugutom na talaga ako,idagdag pa ang bugat nitong dala ko na ngayon ko lang napansin.
Gaya ng sinabi ko,dali daling binuksan ni Crystian ang pinto ng kotse niya sa tabi niya nang makapasok siya sa loob. Inis ko naman itong sinara,bahagya pa siya nagulat sa iniasta ko,marahas ko namang binuksan ang pinto sa likuran at doon sumakay. Marahas ko naman ulit itong isinara nang tuluyan na akong makasakay. Kita ko pa ang pag iling niya pero hindi ko nalang iyon pinansin,inis kong binaling ang paningin ko sa may bintana.
Mayamaya lamang ay nasa bahay na kami,mabilis naman akong bumaba ng walang sinasabing salita miski isa,pagpasok ko palang ay inalok na ako ni Manang ng pagkain. Sinabi ko naman na itataas ko lamang ang aking mga ipinamili at saka bababa upang kumain. Nang maibaba ko ang aking mga ipinamili, ay naupo ako sa aking kama,inihiga ko ang aking sarili dito bagaman nakalapat ang aking mga paa sa sahig. Nang makaramdam ako ng kaunting ginhawa ay mabilis akong bumaba dahil talagang gutom nako. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain. Hindi nako nakipag-asaran kay kuya dahil wala ako sa mood,mabilis akong umakyat sa taas,at nagtungo sa kwarto ko. Nag half bath ako at nagpalit ng damit saka humiga sa aking kama. Ngunit tumayo akong muli dahil nakalimutan kong i-lock ang aking door knob. Iyon ay akin nang nakasanayan dahil palagi iyong habilin sa akin nina mom at dad. Pagka-lock ko nito ay patalon akong sunampa sa aking kama,napabaling ang atensyon ko sa mga pinamili ko.
Napakatanga mo talaga Haelly.
Inis akong napaismid nang makitang wala doon si Pinchy iyon ang pangalang ibinigay ko sa nakuha ni Crystian na stuff toy pero mukang naiwanan ko iyon sa kotse niya kanina dahil sa sobrang pagmamadali.
Dahil sa matinding inis hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa isang pamilyar ng haplos ng isang kamay sa aking pisngi. Kunot-noo akong nagmulat ng mata at kukurap kurap na inaaninag ang taong nasa harapan ko ngayon. Ganon nalang akong mabilis na napabalikwas ng makilala ko kubg sino yon. Agad ko itong niyakap.
"I miss you Mommy" mangiyak ngiyak kong saad.
"Oww I miss you too my princess, I heard bumili ka na ng gamit sa school. Sayang akala ko makakapag mall tayo ngayon."
"Dapat nga po kasama si Callie ehh kaso sinama siya nila tita Cendra sa Batangas." Nakanguso Kong paliwanag
"Oww? Sino ang kasama mong mamili si Henry?"
"No! Never di ko isasama yan noh? Si Crystian po ang kasama ko" nandidiri Kong sabi.
"Sige na fix yourself may pupuntahan tayo". Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Mommy kaya naman dali-dali akong tumakbo papuntang bathroom nadulas pa ako sa basahan dahilan ng pagtawa ni Mommy.
Habang nasa loob at naliligo, dinig ko ang pagsara ng pinto ni Mommy.
Mabilis akong nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng pants and long sleeve black crop top.
Bumaba na'ko at nagmano kay Mom and Dad.
"Saan ba tayo pupunta Dad?" Tanong o ng maupo sa dining
YOU ARE READING
When Our Cars Met (On-Going)
Teen FictionHaelly is a type of girl who's natural. Every action she did is her. Not, pretending, and true. But on that day, she will be a GREAT PRETENDER.