Chapter 3

434 27 2
                                    

Miyuki POV

As usual nagpaulan na naman ng kutsilyo at dagger si Onesan. Buti nakaiwas ako at parang feeling ko ang bilis na din ng kilos ko. Nandito kami ngayon si Kitchen, si Uncle ang nagluluto naka-hot choco naman si Onesan and katabi nya ako. Sa right side ko naman ay katabi ko ang nakabusangot na mukha ni Sandra. Kanina pa yan, panay gulo nya din sa buhok nya. Ang laki nga din ng eyebags nya eh.



"Az, please pag-isipan mo" - nakabusangot na sabi ni Sandra.



"Nope" - Onesan


Kanina pa yan silang dalawa, every 2 mins ganyan yung palaging tanong ni Sandra at ganun din yung sagot ni Onesan. Ang sa pagkakaalam ko, pinipilit ni Sandra na magtransfer kami baka daw mapahamak lang kami don sa school.



Hanggang sa tapos na kaming magbreakfast at papunta na kami sa school tuloy parin ang pangungulit ni Sandra sa amin na magtransfer na. Response ko sa kanya 😁




Haisssh, kung alam nya lang. Syempre hindi kami aalis nandon ang misyon namin. Actually magsisimula na kami anytime soon.




Nangungulit na naman si Sandra, ihahatid nya daw kami sa room namin. Pumayag na lamang ako dahil feeling ko di nya kami tatantanan.




Sa room ganon parin walang may pumapansin sa akin pero minsan lumalapit sila kapag feeling lang nila. Ngayon papunta kami sa G1 na room. Nagbihis na din kami ng PE attire namin. Hindi pa ako nakakapasok sa G1 at hindi ko din alam kung bakit nka PE kami. Wala naman ito sa schedule ko.





Nilibot ko ang paningin sa loob ng G1. Naka-air conditioned ito, ang puti din ng dingding na parang nasa lab ka. May nakita ako sa center na blue mat and our professor motioned us to sit on the floor.




"Oh, look at her. Siguro nagtataka sya kung bakit tayo nandito" sabi ng kaklase ko na si Cholin. Tapos tumawa silang magkakaibigan.



Hindi ko na lamang sya pinansin pero panay parin yung bulungan nila at meron na din nakikisali. Yung iba napapatingin sa akin at tumatawa. Tinignan ko naman mukha ko sa salamin before ako umalis, maayos naman ako ah.


Ano kaya ang tinatawa-tawa nila 🤔

"Gosh, look. Naawa ako sa kanya 😂"


"Oo nga. Pati yung skin nya baka magkaroon ng scar"



"Hindi man lang sya nagtanong sa atin. Kung anong nangyayari ngayon"


"Oo nga. Agree ako dyan. Isang malaking tanga"


Ayy, ewan. Bala sila sa buhay nila. Maya-maya nagattendance na si Prof Junel. Perfect naman lahat ng attendance.



"Ok, class. Tulad parin ng dati. Pabilisan lang ulit. Di na pwedeng umulit. Understood" - Prof Junel



Ok now I know kung ano to. Panay tingin naman sila sa akin.


"Ok. Lets start kay Leo and Red" - Prof Junel


Pumunta naman silang dalawa sa center ng mat. They bowed first and nag-positioned sila. Tumili naman ang mga babae and nagchecheer kung sino mananalo.



Unang sumugod si Red na pinaulanan nya ng suntok kahit saan si Leo. Pero mabibilis na nasasanga nya ito. Ngayon si Leo naman ang tumira, iwas at talon ang ginagawa ni Red. Maganda ang defense ni Red pero kung tutuusin ang daming open si Leo pero di nakikita ni Red dahil busy sya sa defense nya kaya si Leo ay tira lang ng tira.






Azumi: The TattoosWhere stories live. Discover now