Alexander POV
Our faces plastered with a confused look when Nathan said those words. What's his problem?! Nagsisimula palang ah! Napatingin naman kaming lahat kay Boss kung ano ang magiging desisyon nya pero tahimik lang syang nakatuon sa laban. Ano kaya ngayon ang iniisip nya? May alam kaya sya sa mga nangyayari? At bakit ba pinapatigil ni Nath ang laban? Ngayon ko lang nakita na gumanito si Nath.
"Pareng Nath, ano ba ang pinagsasabi mo? Intense na yung laban nila oh!" sabi ni Dennis sabay turo sa screen. Sumang-ayon naman kaming lahat.
"I don't know kung paniniwalaan nyo ako but Azumi is dangerous person." – Nathan
Nakanga-nga naman si Chris at Dennis samantala kami ni Trevor, Shunry at ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Nath. Si Boss ganun parin tahimik lang pero nakita kung nagsmirk sya. Oh baka namamalik mata lang ako.
"Pareng Nath, bakit naman sya naging dangerous na tao eh hindi nga ata yan marunong makipaglaban" sabi ni Chris at inakbayan si Nath at naglakad sila malapit kay Boss. Nang makarating na sila sa harap ni Boss ngumiti pa ang gagong Chris. "Di ba Boss hindi marunong makipaglaban ang lover—este kaibigan mo?"
Napagulp naman kaming lahat ng ngumiti si Boss na parang papatay ng tao. "What do you think Nathan?" tanong ni Boss sa kanya.
Humiwalay kaagad si Chris sa pagkaakbay kay Nath at iniwang humarap kay Boss. Gago talaga ang lalaking yun, pupunta-punta don tapos iiwan nya din sa ere. Yumuko na lamang si Nath at hindi na sumagot para iwas sa gulo. Kinabit naman ni Trevor si Nath sa braso at pinaalis sa harap ni Boss. Nagtago naman si Chris sa likod ni Dennis ng binigyan ko sya ng masasamang tingin. Lagot ka sa aking gago ka!
"She will leave there unscratched" – Boss
Tumango na lamang kaming lahat at hindi na nagsalita. Ganun ba ka confident si Boss na walang mangyayari kay Azumi? Kilala nya na ba si Azumi? Nakita nya na ba itong makipaglaban? Gaano ba sya kalakas? Baka mas malakas pa ako sa kanya. Tsk. Ayun sa sinabi sa amin ni Nath wala syang mahanap na magandang details sa magkapatid. Ang feeling ni Nath tila may nagtatago sa information ng magkapatid. Si Nath ang tipo ng tao na dapat alam nya ang mga background information ng mga estudyante o kahit sino mang taong nakakasalamuha nya.
Nagdadalawang isip syang ipaalam kay Boss na wala syang may nahanap na impormasyon sa magkapatid. Pero kalaunan ay sinabi nya din ito pero wala man lang aksyon na binigay si Boss sa amin. Ang instruction nya lang ay bantayan ang mga kaibigan nya at yun lang.
Ito lang mga nakaraang araw ay tumigil si Nath sa kakahanap ng impormasyon tungkol sa magkapatid. Ikinagulat ko iyon dahil bigla na lamang syang sumuko. Hindi marunong sumuko si Nath kaya nakakagulat. Napapansin ko din na may nakasabit na kwentas na ang disenyo ay parang piso. Alam kung flashdrive iyon dahil minsan ay binubuksan nya ang takip nito pero never ko syang nakitang ginamit ito.
Sino ba talaga ang magkapatid? Bakit masama ang kutob ko sa kanila? Dahil ba wala kaming alam sa kanila? Kaya ba kaming lahat ay nakaabang sa laban nila para malaman kung sino ba talaga sila? Ito na ba ang sagot sa mga katanungan namin?
YOU ARE READING
Azumi: The Tattoos
ActionSomeone's after my life because of my magical tattoos. Will they be able to succeed in capturing me? Or will they be the first to die by my hands. This is the newest version 💗💗💗💗