Diwani
Malalim na ang gabi ngunit hindi parin makatulog ang limang taon gulang na batang babae sa kanyang malaki at malambot na kama.
"Nagugutom ako,ikaw din ba tabby?" Tanong nito sa teddy bear na yakap yakap.
Maingat na bumaba mula sa kama ang bata bago lumabas ng kanyang silid para kumuha ng gatas at pag kain nasa kalagitnaan siya nag pag kain ng bigla siya makarining na may umiiyak. Nung una ay natakot ang bata ngunit ng makita niya ang isang batang lalaki na nakaupo sa labas ng kanilang bahay ay agad siya lumabas habang dala dala ang cookies.
"Bata bakit ka umiiyak?" Tanong nito habang nakaharap sa bata at umupo din siya sa semento.
"Hindi ko alam kung anu lugar ito at kung nasaan ako!" Sagot ng bata habang umiiyak.
Ngumiti ang batang babae sabay bigay ng cookies.
"Wag kana umiyak, sasamahan nalang kita hanapin yun bahay mo"Sa unang pag kakataon ay tumingin ang batang lalaki sa kanya at ngumiti.
"Ang ganda ng mata mo kulay pula pati buhok mo,tara na hanapin na natin yun bahay mo!" Inilahad niya ang kamay na tinanggap naman ng batang lalaki. Sa ilalim ng maliwanang at bilog na buwan mag kahawak kamay ang dalawa batang nag lalakad sa kagubatan.
"Ayun dun ako nakatira!" Masaya sabu ng batang lalaki sabay turo sa maliwanang na puno.
Mag kahawak kamay sila pumasok sa puno at doon nakita ng batang babae ang napaka ganda lugar.
Isinama ng batang lalaki ang batang babae sa kanilang kahariaan na labis na kinagulat ng kanyang Ama at Ina ngunit ng sinabi ng batang lalaki ang mga nangyari sa kanya tinanaw ng hari at reyna na utang na loob ang kabutihan ng batang babae.
Masayang nag lalaro ang dalawa
Naliligo sa batis
Nag hahabulan sa mga kakaibang uri ng hayop at minsan ay umaakyat ng mga kakaibang puno.Ngunit isang araw bigla nalang nag lalaho ang batang babae.
"Anung nangyayari sayo?" Takot na takot na sabi ng batang lalaki at agad na tinawang ang kanyang mga magulang.
"Kinukuha na siya ng kanyang mga magulang anak!" Sabi ng Inang reyna. Umiyak ang batang lalaki at ayaw pakawalan ang kanyang kaibigan.
"Wag kana umiyak,diba sabi ko sayo dapat hindi ka umiiyak" nakangiti sabi ng batang babae habang pinapatahan ang kanyang matalik na kaibigan.
"Pangako hahanapin kita tapos ibabalik kita dito!" Pangako ng batang lalaki habang pinupunasan ang kanyang mga mata.
"Sige hihintayin ko munting Hegar!"
Nahihirapan sabi ng batang babae."Anung pangalan mo?" Tanong ng prinsepe.
"Diwani!" Sigaw ng batang babae bago bigla nag laho.
Napuno ng hangulngol ang buong kwarto ng batang lalaki. Mahingpit na niyakap ng kanyang mga magulang siya at pilit na pinapatahan.
"Diwani!"
Napahinto ako sa pag guhit ng marining ko ang boses ni Lola Della kaya dali dali ako lumabas ng green house ko.
"Lola Della!" Masaya ko siya sinalubong ng yakap bago hinalikan sa kanyang pisngi si Lola Della ang Mommy ni Mom ko na ngayon ay wala dahil nasa ibang bansa at nag babakasyon kasama ang mga kapatid ko.
"Sabi ko na ngaba at nandito ka sa green house ni Desha!" Nakangiti nito sabi sakin pero napaka lungkot naman ng kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kanyang kamay para igaya sa loob at doon ko siya pinaupo sa kahoy.
"Tuwing nakikita kita, nakikita ko ang bunso ko kapatid kamukhang kamukha mo siya mula ulo hanggang paa" matagal ko nang alam na samin mag kakapatid at pinsan ako ang pinaka kamukha ni Lola Desha.
Kaya minsan ay di ko maiwasan ang mailang dahil pakiramdam ko nabubuhay ako na siya.
"Diwani,lagi mo tatandaan na hindi ka pwede mag punta sa gubat or kahit saan mapupuno lugar" paalala niya sakin. Pilit na ngiti ako tumango sa kanya mula noon bata pa ako pinag bawalan na ako pumunta sa mga mapupuno lugar. Pero ang green house ko ay malaki at may mga puno na namumulaklak,marami ako mga bulaklak at may mga ibon din ako malaya mag liliparan.
"Wag po kayo mag alala Lola di naman ako lumalabas ng bahay." Yun din ang isang rason kung bakit palagi ako nanatili dito mahina ang katawan ko at may sakit sa puso madali ako mapagod kaya naman home school lang ako.
Napabuntong hininga ang kanyang Lola na tumayo at pumunta sa mga pulang rosas na kanyang tinanim,pumitas ito at inilagay sa gilid ng kanyang tenga.
"Diwani,pasensya kana kung hindi ka tulad ng iba alam ko na nahihirapan ka pero nasa lahi na natin na mag gamot at mag karoon ng koneksyon sa mga paligid na namumuhay tulad nito rosas sa iyong tenga na akin pinitas sa iba aabot lang ito ng ilan araw para mabuhay pero satin, apo,hanggang hawak mo ang bulaklak nayan ay mabubuhay,Im so sorry kung ito pa ang namana mo sakin!"
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ng yakapin ako ni Lola dahilan para bumuhos ang ulan kahit na tirik na tirik ang araw.Tama si Lola naiiba ako sa lahat
Nagagawa ko buhayin ang mga patay na halaman,puno at maging mga hayop.Nakapag umiiyak ako ay bigla nalang uulan kahit na may araw at maliwanang ang kalangitin.
Pag masaya naman ako marami mga hayop ang makikita nakapalibot sakin.
At higit sa lahat kaya ko mag gamot kaya naman mahingpit ako pinag bawalan nila mommy na wag na wag ko ito ipapakita sa iba.
Pakiramdam ko naiiba ako sa lahat
Na hindi ako kabilang sa mundo ito
Na hindi ako dapat nandito.Hanggang sa pag alis ni Lola ay iyun parin ng nasa isipan ko kung bakit hindi ako tulad nila mommy mga kapatid ko at pinsan.
Si Lola ay isang mag gagamot at abularyo sikat siya at kilala sa aming bayan.
Ngunit hindi siya tulad ko na may kakayahan makipag usap sa kalikasan,sa mga puno,halaman,bulaklak,at mga hayop.
Gusto ko malaman ang kasagutan sa mga katanungan ko pero kanino ako mag tatanong??

BINABASA MO ANG
Encantadia Diwani
FanfictionIsang ordinaryo tao ang mapupunta sa mundo ng Encantadia.