"Paano nga ba tayo naging close?" he asked.
Natigilan ako bigla sa tanong niyang iyon. Napaisip. Paano nga ba? Kailan ba nagsimula na maging close kami?
Pero dahil nakita kong seryoso siya, nagbiro ako. "Ay, close pala tayo."
Nakita ko kung paano sumimangot ang mukha ni Josh. Palihim akong natawa. Hindi niya ako tinignan at nag-focus lang sa pagkain niya.
"Uy, di mo ko pinapansin ah." usal ko sa kanya sabay tapik sa braso niya.
"Di pala tayo close ah." he said. Nagtatampo na. Parang bata naman oh.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa dahil sa reaksyon niya. Ilang buwan pa lang namin kaming magkakilala, at sa loob ng mga buwan na iyon ay parati kaming magkausap. Actually, he's older than me. I met him on my OJT days.
And who would have thought na magiging close kami? Kahit ako eh, hindi ko inaasahan yon.
"Halos araw-araw tayo magkausap tapos di pa pala tayo close niyan." he added, pouting.
"Eh ikaw din naman eh, hindi mo din alam kung close ba tayo." natatawa kong sabi sa kanya.
"Syempre ayoko lang naman mag-feeling na close tayo no, baka kasi ikaw hindi naman pala." seryoso niyang sabi sabay simsim sa kanyang soft drinks.
Sabay kaming nagla-lunch ngayon, sa wakas ay may natuloy din kaming lakad. Sa totoo lang ang dami naming plano pero ni isa walang natutupad. Ngayon nga lang tapos nagtatampo pa ang mokong.
Mukhang ito pa ang magiging reason ng pag-aaway namin, kung close ba kami o hindi.
"Sige, pag-isipan ko muna kung close nga tayo." I said.
Sinamaan niya ako ng tingin, "Bahala ka nga."
Days have passed. Parati pa rin kaming nag-uusap, sa chat at minsan naman kapag gabi talagang tumatawag pa siya sakin para ikwento lahat ng ganap sa buhay niya.
At doon.. sa mga ganon niya ako nahulog. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa taong laging nagpapakita ng care sayo, yung taong lagi kang ina-update sa lahat ng nangyayari sa buhay niya.
Ewan ko, I just feel so important.
"Ikaw naman magkwento," aniya sa kabilang linya. Alas-onse ng gabi tapos magkausap kami ngayon sa cellphone.
Naalala ko tuloy yung araw na para-paraan siya sa pagkuha ng number ko. At ako naman si tanga, kinagat yung palusot niya.
"Mag-apply ako sa call center, gusto ko sana i-practice yung boses ko. Tawagan kaya kita."
"Ano nga pala number mo?"
At yun, dun nagsimula yung halos gabi-gabi kaming nag-uusap hindi lang sa chat, pati na rin sa call.
At mas lalo na naman akong nahulog.
Nahulog ako sa simpleng bagay na ginagawa niya o sinasabi niya pero napapangiti na agad ako. Hindi ko maipaliwanag yung saya na nabibigay niya sakin. Sa puso ko.
"Wala naman akong kwento eh," sagot ko. "Ang role ko lang talaga yata dito ay makinig sa kwento ng iba," I added.
"Edi ikwento mo na lang kung paano ka nakikinig sa kanila," natatawa niyang suhestyon sa akin.
Isa sa nagustuhan ko sa kanya ay yung pagiging komportable ko na kausap siya. Alam niyo yun, yung pakiramdam na kahit anong pag-usapan namin hindi ako naiilang sa kanya. Kahit nga out of the world topic na, may nairereply pa din ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221402969-288-k262562.jpg)