That's Us - manunulatkuno

187 8 0
                                    


Nandito kami ngayon sa classroom naghihintay ng teacher, hindi talaga ako morning person kaya kapag 1st subject antok na antok ako. Hindi ako gumigising ng super aga para mag-ayos katulad ng iba kong mga kaklase na akala mo laging may pictorial kasi lagi naka full make up. Wala naman akong problema sakanila o sa kahit sinong nagmamake up ako lang talaga 'yong walang ritual sa buhay hindi ako nag-aayos kasi hello? maganda na ako, sabi ng tatay ko.

Ang tagal naman ng adviser naming siya kasi yung home room teacher namin e, so siya muna bago yung 1st subject. Makikinig na nga lang muna ako ng kanta, ayoko talaga kumakausap ng mga tao kapag umaga.

That's us by Anson Seabra..

I shoulda known it wouldn't happen 'cause it wasn't right

I shoulda known it 'cause it happens every goddamned time

Almost thought we could've been something

Almost thought we could have tried, but

It didn't happen so I need you to get—

Nang biglang maputol ang kanta dahil may nag-pause neto at mukhang kilala ko na kung sino siya lang naman lagi gumagawa niya sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

"Toni naman kanina pa kita tinatawag e. Hindi mo ako pinapansin, 'yan nanaman pinapakinggan mo? favorite mo talaga 'yan lately."Eto nanaman kami. Manhid yata talaga 'tong mokong na 'to hindi ko alam kung hindi niya ba naiintindihan ang ibig sabihin ng kanta na 'to oh ano dahil minsan kapag nakikinig ako bigla niyang kukunin yung isang earphone para dalawa na kaming nakikinig ang sweet no? sus sana talaga

"Ano nanaman bang kailangan mo Dave? kay aga aga nanggugulo ka naman diyan eh." Inis ko sabi, kunware naiinis ako pero deep inside gusto ko talaga kapag umaga palang sa akin na agad atensyon niya.

"I miss you." sabay ngiti, yung ngiti na paboritong paborito ko. piste, double kill. Hays, so help me Lord.

Hindi ko alam pero ilang buwan na rin simula nung naging ganyan si Dave sa akin. Ginagawa niya yung mga random things na magpapakilig sa isang babae lalo na kung crush niya yung lalaki. Barkada ko si Dave simula grade 7 hanggang ngayon na grade 12 na kami at simula last school year crush ko na siya.

"Ayan ka nanaman Dave, parang tanga. Akala mo naman 'di tayo laging magkasama no?" Sabay irap ko sakanya, nahihirapan na ako lalo na itago 'tong pesteng feelings ko dahil sa mga pinag-gagagawa niya.

"Eto naman an gaga aga nagsusungit na agad. Naglalambing lang e." At nagpout na nga po siya Lord huhu. Ilayo niyo po ako sa kasalanan, bakit po ba ang ganda ganda at ang laki laki ng labi niya? parang nag-iinvite po. Huhu. Ano ba 'tong iniisip ko hindi 'to maganda.

"Hay, Oo na. Sorry na, ikaw kasi nag-aya aya pang maglaro napuyat tuloy ako." Grabe naman kasi nag-aya magros nagpabuhat lang si tanga napuyat ako kakabuhat sakanya hays

"Ikaw lang eh, hindi mo ako matiis." Oo na, hindi talaga kita matiis basta masaya ka sige lang. Pasalamat ka talaga nako

"Good morning class." Bati ng class adviser namin

Sa wakas save by the bell, hulog ka ng langit ma'am. Kung hindi dumating si ma'am mamaya ano ano na nasabi ko, baka nakapag confess na ako ng 'di oras.

May announcement lang si ma'am tapos umalis narin siya, kaya raw siya nalate dahil may emergency meeting ang faculty tapos wala na raw klase kaya umuwi na daw kami kaya naman lahat ay tuwang tuwa.

Nandito kami ngayon sa may bleachers sa gym kung saan kami madalas tumambay ng mga kabarkada ko.

"Hoy Dave 'wag mong sabihing sosolohin mo nanaman si Toni ha? Pwedi bang group lakad naman today?" Sabi ni Alex habang masama ang tingin kay Dave

Something In BetweenWhere stories live. Discover now