12

170 5 13
                                    


"Oh, saan ka galing?" Binungad ako ng tanong ni Jane.




Umupo ako sa tabi nila. Nagti-tiktok sila Denise habang ang iba ay busy sa phone. Ang iba naman ay nakatingin sa akin.





"Kasama ko lang si Frank," Umupo ako ng maayos at nakitang kumunot ang noo ni Arwen sa akin.





"Hay nako," She said and tried to take a deep breath.





Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanila. Bakit parang ang weird ng mga ito? Did I do something wrong? Alam naman nila na Frank and I like each other. So what's the matter?






"Ha? Anong meron?" Tanong ko. Lumingon naman si Arwen sa akin.






"Wala naman. Sana aware ka sa jowa mo. Basta, hirap explain. Hindi pala ako makakasama sa gala, hindi pinayagan. Uhm, bawi ako next time," Ngumiti siya sa amin at tumayo. She hugged us and then left. Sinundan ko siya ng tingin.






"Anong meron don?" Now, I looked at them. Napatingin lang sa akin ay si Rica at Elvira. Nagkibit-balikat sila.





"Wala lang 'yon, ang mahalaga masaya ka," I got so confused with what Elvira said. Maybe I should be the one to find what's wrong? Kilala ko na 'tong mga kaibigan ko e, they shut their mouth for them not to hurt other people's feelings.






Pagkatapos ng buong klase, we went to Denise's house. We just had there a mini samgyupsal. Nagtawanan din kami at kung ano ano pa.







"Ako nagluto niyan! Epal mo talaga!" Sigaw ni Elvira kay Angie. Tumawa nalang si Angie doon, sadya ata.







"Thank you, yaya!" Umilag si Angie sa tongs na dapat ipapalo ni Elvira sakaniya.







"Hindi mo lang kasama jowa mo ganiyan ka na, tama ba 'yon," Patol uli ni Angie. Imagine, halos araw-araw sila ganito.







Nilabas ko ang phone ko para makita ang mga messages. I saw Luce message. Mukhang na wrong send ata siya?






Luce: Pre, 'yong jowa mo nandito sa labas. Makulit e, hinahanap ka.






Inaanalys ko pa rin kung ano 'yon. He quickly sent a message again.






Luce: hala shit. Sorry, maria. Wrong sent lang peace.






I replied ok to him. Pero bumubulabog pa rin 'yon sa isip ko. How can I not overthink this much? Sino ang sesendan niya non? Si Frank ba? At bakit naman? I took a deep breath and glanced at my plate.






"Huy, sunog na niluluto mo," Nagulat ako sa sinabi ni Rica. I nodded and put all of my meats on my plate.






"Masarap kaya kapag sunog," Sabi naman ni Elvira. Dahil doon, tumingin sakaniya ang lahat. She laughed and pointed at us.






"Grabe kayo! Ano na naman nasa isip niyo? Pa vacuum niyo na nga utak niyo," Umiling siya at naglagay uli ng meat sa lutuan.






Sumunod sa amin si Cleo. Ibang sched kasi sila kaya medyo na late siya. Apra siyang bata na tumatalon nang makita ang samgyupsal sa lamesa. Tumawa kami at kumain na. Naramdaman ko na tumabi sa akin si Cleo kaya napatingin ako sakaniya.







"Musta?" Sabi niya.





"Ha? Ayos naman ako, bakit?" Tanong ko pabalik.





The Greatest Opponent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon