Epilogue

493 7 4
                                    


"Pre, kalaban mo 'yan. 'Wag mo titigan! Napaghahalataan ka, eh?" Tinapik ako ni Luce sa balikat.



Minura ko siya at inalis na ang titig kay Maria. She's really competitive, huh. Hindi ko nga alam kung bakit lagi kaming nag-aaway. She thinks I always want the top. Sa sobrang sarap niyang inisin, lagi ko nang ginagawa.




"Pre, ako nalang titigan mo. Pakopya na rin," Napalingon ako kay Luce na kinuha ang notebook ko. I gave it to him and glanced again to Maria.




Many subjects have passed. Nakatuon lang ako sa mga nagsasalita sa harap. I cursed when I noticed that I don't have a notes in this particular subject.





"Tangina," I cursed.




Tumingin ako sa paligid at nakita na nag no-notes si Maria. I looked at her seriously and saw how beautiful she was.




"Notes!" I told her. Sungit niya akong nilingon at marahas na inalis ang notebook ko na nakapatong sa lamesa niya. I laughed.




Masungit.




Pucha, hulog ako lalo.






Dumating ang ilang araw na puro pangungulit lang ako sakaniya. She would always made a face when I talked to her. I couldn't help but to smile everytime. Para bang bawat sungit niya sa akin ay medalya ko. Hindi ko rin alam.





"Mr. Ponce got the top one, give him a round of applause," Our teacher said.





Tumayo ako at nakita ang reaksyon ni Maria. She just sarcastically smiled while looking on my certificate. Nanghina ako. If only I could give this to you instead, ginawa ko na. Ang hirap pala kapag ganoon kalungkot ang taong gusto mo.






"Wow, ha! Napakahirap kasi nito!" Reklamo niya.





Maria was holding a paper about our lesson in math. Natawa ako nang makita kung gaano kalukot ang noo niya sa pag-aanalys ng problems. I shooked my head and looked away, to hide my smile.






"Tara nga turuan kita," I told her.






Sobrang saya sa akin nang dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang maayos kaming dalawa nang tuluyan. We haven't talked about our opinions, questions, guilt and anger. Her words were like a voice of a bird to me. She even said sorry for her attitude before. Kahit hindi naman siya mag sorry, ay papatawarin ko naman siya kaagad.






She means a lot to me. Iyan ang nalaman ko habang patagal ng patagal.





I confessed to her first about my feelings. Walang araw na hindi ko pinaramdam sakaniya iyon. Parang nanghihina ako kapag hindi ko siya nakikitang nakangiti. Siguro nga ang misyon ko rito ay pasayahin siya. I even talked to her mom.





"Oh, nasaan si Maria?" Tanong ng mama niya. Napakurap-kurap ako at hindi matago ang kaba. Fuck.





"Uh, umakyat po. Magbibihis po ata," But I successfully responded.






Tinulungan ko maglapag ng mga ulam ang mama ni Maria. She glanced at me and smiled.






"Nararamdaman ko na mabuti ka, hijo," Napalingon ako sakaniya dahil doon. Nawala ang kaba sa dibdib ko nang marinig mula sa mama niya iyon. Shit. Is this really happening?






The Greatest Opponent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon