07

225 6 7
                                    

Frank: Thank you



Napakunot ang noo ko sa chinat niya.




Mari: For what?





Frank: Wala lang. Gusto ko lang mag thank you. Pinasaya mo talaga ako kanina.




I smiled with what he said. Grabe talaga, paanong hindi ka mahuhulog dito?




Frank: Puwede ba akong tumawag?





Napa-ayos ako bigla ng upo sa kama. Medyo nataranta ako. I looked at the mirror and fixed my hair. Chineck ko rin kung may mga dumi ako sa mukha. Negative. Inayos ko ang damit ko at kinuha na ang phone. My expression immediately changed. Okay, nang gagago ba 'to?




Frank: issaprank haha




Gago! Sayang effort shuta. Nakakairita naman! Tinawanan ko nalang 'yong message niya at lumipat sa group chat naming magkakaibigan. May topic sila na hindi ko malaman.





Arwen: Lamang ka ligo don, Elvira. Kaya walang dapat ikaselos.





Elvira: Eh malapit yon, e! Bahala siya, hmp.




Rica: Rurupok in 5..4..3




Elvira: Nvm, nag chat amp. Okay, I love you ulit.





Napatawa ako roon at nakisali. Chineck ko rin ang group chat ng research group namin. Ako ang leader kaya inasikaso ko muna 'yon sandali. Inassign ko kung sino ang gagawa sa bawat content. I almost spent hours para sa background of the study. I stretched my arms and looked at the messages. Napukaw ng atensyon ko ang mga messages ni Frank. Shoot. Ang dami!




Frank: Cute mo talaga kanina



Frank: Oh baka naman, palagi?




Frank: Ah oo nga, Frank. Tama ka diyan!




Frank: Matulog ka na kung hindi ka pa tulog.






Napanganga ako sa dami non. Hindi ko na iniscroll pa ang iba dahil pare pareho lang naman. Fine! Hindi ko natiis at nagreply na ako. I just said good night and that I'm going to sleep now. Pumikit ako ng mariin at narealize ang ginagawa. Ba't ba ako nag uupdate?






Nakita ko ang tweet ni Frank na kani kanina lang.





Franknstayn_

Futa, ang cute ah. illegal ba 'yan? Nakakaadik, e.




I smiled and laughed because of that. Sino ba yon? I hope that was for me. Chineck ko ang mga reply doon.




Aliahaaliaho_

Cute ba? Sige cute rin ibubunganga sayo nila tita.



Luce_fer

Pare, payong ka ba? Kasi you cover up my tears.




Napaisip ako roon sa reply ni Alia. Ibubunganga sakaniya ni tita? Tita as in tita or Tita as in mommy ni Frank? Sa sobrang daming impormasyon sa utak ko, dumagdag pa 'to.





Nagising ako sa katok ni ate sa pinto. Ano na naman ba! Lumingon ako sa orasan at nakita na mag six thirty na. Shuta! Lunes na lunes pa naman! At bukas ibibigay ang certificate at award namin noong jingle. We got first place, and I'm very proud of my section.







The Greatest Opponent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon