Prologue

30 2 0
                                    

"Love is blind" Bata pa lang ako paborito ko na ang kasabihang ito. Maraming nagsasabi sa akin na napakacorny ko kase hindi daw naman bulag ang pag ibig. Mahal mo ang isang to kase gwapo sya, matangakad, mabait, gentleman at marami pang iba. Subalit sa kalagayan kong ito masasabi ko talaga na love is blind. Oo! Nakikita ko sya nahahawakan, nararamdaman pero bulag pa rin ako sa araw araw sapagkat iyon ang aking tadhana.

Paano ba magmahal ang isang tulad ko? Magmamahal subalit malilimutan din agad ang wangis ng kanyang mahal. Mangangako subalit hindi matandaan ang itsura ng kanyang pinangakuan. Magdadalamhati subalit hindi alam kung sino ang iniiyakan.

Ganyan ako kaabnormal. May magmamahal pa kaya sa akin ng totoo kung malilimutan ko din naman ang itsura nila o mananatili na lang akong huwag magtiwala sa iba.

This is Kattaryna Mendoza, a warrior of my own battle.

Your FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon