Kabanata 9

15 2 0
                                    

Isang taon na ang nakakalipas mula ng mamatay si Seven pero hanggang ngayon hindi pa rin naghihilom ang sakit na iniwan nya sa akin. Nakatanaw ako ngayon sa labas ng aking bintana habang inaalala ang nakaraan at habang hawak ko ang kanyang larawan na nilagyan ko ng pangalan nya sa baba para hindi ko malimutan na iyon ang itsura ni Seven.

Nasa kwarto ko ako ngayon ng mag-ring ang cellphone ko. Nakita ko naman ang pangalan ni Seven sa screen kaya agad akong napangiti.

"Hello" pagsagot ko dito.

"Silip ka sa bintana mo" utos nya kaya agad akong pumunta doon at nakita ko sya sa labas na nakangiti habang may dalang isang bouquet of flowers.

"Anong ginagawa mo dyan? Bakit hindi ka pa pumasok?" Tanong ko sa kanya dahil bukas naman ang pinto sa baba at nakapasok na rin naman sya sa gate.

"Gusto ko lang sumilip sa kanyang bintana ang aking Juliet" natawa naman ako sa kacornyhan nya.

"Ang corny mo" sagot ko sa kanya kahit kinikilig na ako.

"Bakit Juliet ayaw mo bang makita ang iyong Romeo?" Nakangising tanong nito sa akin. Natawa na lang ako sa sinabi nya.

"Syempre naman gustong-gustong makita ni Juliet ang kanyang Romeo kaya pumasok ka na bago pa ako humanap ng iba" agad namang umiba ang timpla ng mukha nito kaya lalo akong natawa. Seloso tsk! Hahahah! Akala ko noong una hindi sya seloso, kuya nya lang pala ang hindi nya pinagseselosan. Iiling-iling na lang ako sa naisip ko.

Natawa na lang ako sa mga ala-alang naiisip ko habang patuloy na lumalandas ang mga luha ko sa aking mukha. Magmula ng mamatay si Seven lagi na lang akong nasa kwarto at ang apat na sulok na ito ang naging saksi sa aking pag-iyak at pagdadalamhati magmula ng mamatay si Seven. Paminsan-minsan dinadalaw naman ako ni Denise at Clyde sa bahay upang bisitahin at kamustahin ang aking kalagayan. Habang malalim ang iniisip ko may kumatok sa aking pintuan at pumasok ito. Naramdaman ko na lang ang paglapit nito sa kinatatayuan ko.

"Anak tara na" mahinahong saad ni mama. Tiningnan ko naman sya at pilit syang ngumiti sa akin. Tumayo na ako at sumama kay mama papalabas ng kwarto ko. Ngayong araw, ang saktong isang taon magmula ng mamatay si Seven kaya pupunta kami ngayon sa sementeryo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni mama sa akin habang nasa sasakyan kami. Tumango naman ako sa kanya at muling tumingin sa labas ng bintana. Nakarating na kami sa sementeryo at nandoon na ang pamilya ni Seven at ang pamilya ni Denise.

"Mabuti naman at nakarating kayo" Saad ng isang lalaki kay mama "kamusta na si Kattaryna?" Muling tanong nito sa aking ina.

"Ganoon pa rin Doc Steevan. Hindi pa rin sya masyado kumikibo at madalas pa ring umiiyak sa kanyang kwarto" Saad naman ni mama dito. Napatingin naman ang lalaki sa akin at napabuntong hininga na lang. Matapos madasalan ang puntod ni Seven may tumabi sa aking inuupuan na isang babae.

"Kattaryna" pagtawag nya sa akin. Tiningnan ko naman sya at makikita sa kanyang mata ang lungkot "Kattaryna si Denise to. Kattaryna bumalik ka na please. Ayaw ni Seven na nakikita ka sa ganyang sitwasyon" Saad nito at tumulo na ang kanyang luha.

"Pero hindi nya naman ako nakikita. Wala na sya kaya hindi na nya nakikita na nalulungkot ako" sagot ko naman dito at tumulo na rin ang aking luha.

"Ako Kattaryna... Nakikita kita at ayokong nakikita ka sa ganyang sitwasyon" Saad nya naman sa akin.

"Hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako Denise. Miss na miss ko na si Seven at gusto ko na syang makita" umiiyak na saad ko sa kanya. Niyakap nya naman ako habang dinadaluhan sa pag-iyak.

Hindi alam ng dalawang dalaga na nakatingin sa kanila si Clyde habang sila ay nag-uusap. Napabuntong hininga na lang ang binata ng makitang umiiyak na naman ang dalawa. Isang taon na ang nakakalipas magmula ng mamatay ang kapatid nya subalit sa tuwing nagkakasama silang tatlo lagi na lang umiiyak ang dalawa sa tuwing napag-uusapan nila si Seven. Pauwi na silang lahat ng lumapit si Clyde kay Kattaryna at sa mga magulang nito.

Your FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon