Kabanata 6

10 2 0
                                    

Nasa kwarto ko ako ngayon ng mag-ring ang cellphone ko. Nakita ko naman ang pangalan ni Seven sa screen kaya agad akong napangiti.

"Hello" pagsagot ko dito.

"Silip ka sa bintana mo" utos nya kaya agad akong pumunta doon at nakita ko sya sa labas na nakangiti habang may dalang isang bouquet of flowers.

"Anong ginagawa mo dyan? Bakit hindi ka pa pumasok?" Tanong ko sa kanya dahil bukas naman ang pinto sa baba at nakapasok na rin naman sya sa gate.

"Gusto ko lang sumilip sa kanyang bintana ang aking Juliet" natawa naman ako sa kacornyhan nya. Magmula ng makauwi kami sa Manila araw-araw na din sa bahay si Seven. Hindi na rin muna ako pumasok ng second sem dahil sa kalagayan ko. Kahit hindi ko sya makilala sa kanyang itsura nakikilala naman sya ng aking puso kaya hindi ako nahihirapan kilalanin si Seven.

"Ang corny mo" sagot ko sa kanya kahit kinikilig na ako.

"Bakit Juliet ayaw mo bang makita ang iyong Romeo?" Nakangising tanong nito sa akin. Natawa na lang ako sa sinabi nya.

"Syempre naman gustong-gustong makita ni Juliet ang kanyang Romeo kaya pumasok ka na bago pa ako humanap ng iba" agad namang umiba ang timpla ng mukha nito kaya lalo akong natawa. Seloso tsk! Hahahah! Akala ko noong una hindi sya seloso, kuya nya lang pala ang hindi nya pinagseselosan. Iiling-iling na lang ako sa naisip ko.

"Talaga bang maghahanap ka ng iba?" Seryosong tanong nito ng makapasok sa bahay. Nasa living room kami ngayon habang si lolo naman ay nagluluto. Seryoso? Naniwala sya sa banta ko? May naisip naman akong kalokohan kaya kahit gustong- gusto ko ng matawa dahil sa itsura nya pinigil ko ang sarili ko.

"Oo! Kaya sa susunod kapag hindi ka agad sumunod sa sinabi ko magahahanap na talaga ako ng iba" seryoso ko ring sagot sa kanya. Tiningnan ko naman ang kanyang mga mata at makikita dito ang lungkot at...sakit? Sineryoso nya talaga ang sinabi ko?

"Oh" inabot naman nya sa akin ang bulaklak na dala nya habang hindi ako tinitingnan "aalis na ako" sabi pa nya. What the...? Anong nangyari? Akma na syang aalis ng hawakan ko ang braso nya.

"Sineryoso mo talaga ang sinabi ko? Nagbibiro lang naman ako eh" Tanong ko dito kahit nakatalikod na sya sa akin. Nang humarap naman sya sa akin nakita ang lungkot sa mga mata nito.

"Babalik na lang ako mamaya. May gagawin lang ako" seryosong saad nito bago inalis ang pagkakahawak ko sa kamay nya. What the hell? Seryoso talaga sya? Pinapanood ko lang syang maglakad papalabas ng lumabas mula sa kusina si Lolo.

"Oh Seven, uuwi ka na ba?" Tanong ni Lolo dito kaya agad syang tumigil.

"Opo Lolo" sagot nito.

"Kadarating mo lang ah, ang bilis naman" nagtatakang tanong ni Lolo.

"Ipagpapalit daw po ako ni Juliet eh" Saad nito, agad namang tumingin si Lolo sa akin habang nagtatanong ang mga mata subalit nagkibit balikat lamang ako sa kanya kase hindi ko rin alam ang nangyari sa isang yun. "Mauuna na po ako Lolo" muling saad nito.

"Oh siya sige mag-iingat ka pauwi" Paalala naman sa kanya ni Lolo.

"Sige po" pagkasabi nya nito tuluyan na syang umalis at hindi man lang ako tiningnan. May mali ba sa sinabi ko? Nagbibiro lamang naman ako eh. Napasimangot na lang ako sa naisip ko.

"Anong nangyari sa isang yun?" Tanong ni lolo ng makalapit sa akin.

"Hindi ko din po alam" sagot ko habang kinakamot ang ulo ko.

"Ano bang sinabi mo sa kanya?" Tanong muli nito.

"Sabi ko lang po ipagpapalit ko sya"

"At bakit mo naman sinabi yun?"

Your FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon