Kabanata 10

14 2 0
                                    

Ilang buwan na ang nakakalipas at lalong lumalala ang aking sakit. Magmula ng pumunta noon sa bahay sina Clyde at Denise hindi na muli naulit ang ganoong pangyayari. Araw-araw ipinagdarasal ko na sana gumaling na ako, na sana mabiyayaan pa ako ng mahabang buhay pero habang tumatagal nawawalan na ako ng pag-asa. Muli na naman akong naduwal kaya agad hinaplos ni mama ang aking likuran. Nandito na naman kami ngayon sa hospital dahil sumakit na naman ng sobra ang ulo ko at ngayong araw ang ika-dalawang linggo magmula ng dalhin ako sa hospital na ito. Nakaramdam na naman ako na parang hinahalukay ang aking sikmura kaya naduwal na naman ako at ito na ang ika-siyam kong pagduduwal.

"Ano ng pakiramdam mo anak?" Nag-aalalang tanong sa akin ni mama habang patuloy na hinahaplos ang aking likuran.

"Medyo okay na po" sagot ko dito kahit na parang may nag-gigyera pa rin sa loob ng aking tyan.

"Tubig anak" inabot naman sa akin ni papa ang tubig kaya nagmumog na ako. Luminga-linga naman ako para hanapin si Clyde pero hindi ko ito makita.

"Nasaan po si Clyde ma?" Tanong ko dito dahil kanina nandito lang sya pero bigla na lang syang nawala.

"May kukunin lang daw sya sa kotse" Saad naman nito sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya. Ilang saglit lang dumating na rin si Clyde na may dalang basket ng prutas kasama si Denise. Agad namang lumapit sa akin si Denise at hinalikan ako sa pisngi.

"Hi po tito, tita" pagbati ni Denise sa mga magulang ko.

"Hi din Hija" sagot naman ni papa sa kanya. "Paano, aalis muna kami ng tita nyo kukuha lang kami ng ilang damit sa bahay babalik din agad kami dito" muling saad ni papa kay Denise.

"Sige po tito kami na pong bahala kay Kattaryna" saad ni Denise.

"Salamat" pagkasabi ni papa ng katagang yun lumabas na sila ni mama sa kwarto.

Pagkalabas ng mag-asawang Mendoza agad naluha ang ina ni Kattaryna.

"Ano nang mangyayari sa anak natin ngayon Manuel?" Saad ng ina ni Kattaryna sa kanyang asawa.

"Hindi ko rin alam. Ang kailangan natin ngayon magdasal" seryosong saad naman ng asawa nito.

"Pero hindi na kinakaya ng katawan ni Kattaryna na tanggapin ang kinakain nito. Lahat na lang ng kakainin nya, isinusuka din naman nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak natin Manuel" muling saad ng ina nito habang tumutulo ang luha.

"Gagaling si Kattaryna. Huwag ka mag-alala" paninigurado naman ng ama ni Kattaryna sa asawa nito.

Pagkalabas ni papa at mama lumapit na rin sa kinatatayuan ko si Clyde. Umupo sya paharap sa akin at tinitigan ako kaya tinitigan ko rin sya. Ang medyo singkit na mata, ang matangos nyang ilong at ang mapula nyang labi. Tinitigan ko lahat ng parte ng mukha nya bago ko ipikit ang aking mga mata.

"Anong ginagawa nyo?" Nagtatakang tanong ni Denise pero hindi naman sya sinagot ni Clyde.

"Naaalala mo ba?" Rinig ko namang tanong ni Clyde. Pilit ko namang inalala ang wangis ng kanyang mukha mula mata, ilong, bibig pero hindi ko ito maalala kaya umiling ako sa kanya at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko naman sya na napabuntong hininga.
"Hindi mo talaga maalala" muling saad ni Clyde.

"Sorry" yun na lang ang tangi kong nasabi sa kanya at ngumiti.

"Ano bang ginagawa nyong dalawa?" Naguguluhang tanong ni Denise sa amin ni Clyde.

"Wala ka na dun" Saad naman ni Clyde kaya inirapan sya ni Denise.

"Kattaryna ano bang ginagawa nyo?" Muling tanong ni Denise. Natawa naman ako sa kanyang itsura dahil parang ginusumot ito.

Your FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon