Rasel's POV
Hinapit ko ang bewang ng babae at ibinaba siya mula sa pagkakasampa niya sa railings.
"Ano ba?!! Sabing wag mo akong pipigilan eh!! Bitawan mo ko!!" pagpupumiglas niya ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makawala.
"Gasgas na yang line mo. Palitan mo naman." pagbibiro ko pa habang kinukulong pa rin ang bewang niya sa bisig ko.
"Edi wag mo 'kong bitawan! Please, wag mo akong bitawan! .... B-Bakit bumitaw ka? Kumapit naman ako diba? Sabi mo tayo hanggang dulo? Nasa dulo na ba kaya bumitaw ka na?" umiiyak na hugot niya at unti-unti na siyang kumalma kaya naman binitawan ko na siya.
Napaupo siya sa sementadong sahig at napahagulgol.
"Miss, for your information kailanman ay hindi solusyon ang pagpapakamatay sa problema sa buhay." pangaral ko sa kanya.
"Alam ko." sabi niya at unti-unting pinakalma ang sarili habang pinupunasan ang mga luha gamit ang likod ng kanyang palad.
"Tanga. Alam mo naman pala, ginawa mo pa." sabi ko naman at umupo sa tabi niya.
"Pake mo ba? Ikaw ba yung nasa kalagayan ko?" masungit na tanong niya.
"Hindi." simpleng sagot ko.
"Oh tingnan mo---"
"Pero may problema rin ako kagaya mo." pagputol ko sa dapat sanang sasabihin niya at natigilan naman siya.
"Edi... pareho tayong may problema. Lahat naman siguro tayo ay may problema." sabi niya at tumingin sa sahig.
"Alam mo naman pala. Edi wag kang mag-emote dyan na akala mo ikaw lang ang may problema sa mundo." bulalas ko.
"Sa itsura mo parang pasan mo ang buong planeta sa solar system." dagdag ko pa.
Tumunghay siya at matalim na tumitig sa mga mata ko.
"Oh? Ngayon naman parang mangangain ka ng tao. Teka, matanong ko lang... cannibal ka ba?" pang-aasar ko at sinuntok niya ako sa braso.
Hindi pa s'ya nakuntento sa isang suntok at sinundan niya pa ng tatlo.
"Nakakainis ka!" iritang sabi niya at tumigil sa pagsuntok.
"Nakakainis nga. Nakakainis!" iritadong sabi ko matapos maalala ang ginawa sa'kin ng mga kaibigan ko.
"By the way, I'm Yours." biglang banat niya ng pick-up line.
"Tss. Gasgas na rin yan. Nasaang henerasyon ka ba?" bahagyang natatawang sabi ko.
"I'm really Yours." may bahid ng pagkainis sa kanyang boses.
"Ang landi mo naman. Kanina pa emote emote ka pa diyan dahil yata sa break-up n'yo ng--" di ko na natapos nang bigla siyang tumayo at umalis.
Napansin ko na lang ang mga paa kong sumusunod sa kanya.
"Hoy miss! Teka lang!" sigaw ko habang bumababa ng hagdan.
"Miss, anong pangalan mo?" tanong ko habang sinusundan pa rin siya at napatingin pa ang tindera sa canteen.
"Ewan ko sayo!" inis na sigaw niya at pumasok sa isang classroom.
"Edi bahala siya. Akala mo kung sinong maganda!" kausap ko sa hangin nang makaalis na siya sa harapan ko.
"Bakit ka late?" rinig kong tanong ng teacher sa kanya.
Hahahah, buti nga sa kanya.
Hindi pa ako nakakaisang hakbang ay natigilan na ako nang muling sumigaw ang guro.
BINABASA MO ANG
Tropa
Teen FictionAlam mo ba yung pakiramdam na natatameme ka at natotorpe pag nandyan yung mahal mo o yung crush mo? -Rasel Isa ka rin ba sa mahilig sa music? Napapagaan rin ba ng music ang loob mo? -Jericho Mahilig ka bang kumain at walang kabusugan kagaya ko? Ang...