Bahay ni Manuel

9 4 0
                                    

Warning: Some scenes and some words used in this story are not suitable for very young readers.
Read at your own risk.

Mykelle's POV

Nang pindutin ko ang switch ng ilaw, nakita ko si Mika na humahagulgol sa isang sulok, walang saplot habang si Fred ay nakadapa sa kama. Mahimbing na natutulog at.. walang damit pang itaas.
Nagkalat ang damit sa sahig.

Fuck!

Nabitawan ko ang dala kong pasalubong para kay Mika at dali-dali ko siyang nilapitan pero mas pinagsiksikan niya ang sarili niya sa sulok.

Kumuha ako ng damit at bibihisan sana siya pero lalo lang siyang umiyak at natakot sa akin.

"Mika.. Mika, ako 'to si .. kuya Mykelle." nanginginig na sabi ko at unti-unti siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.

Kumalas ako sa yakap at binihisan siya.

"Kuya.." umiiyak at nakahikbing tawag niya sa'kin.

Fuck him. Fuck you Fred!

Binalingan ko si Fred at itinihaya.

Pinagsusuntok ko siya na nakapagpahulas sa kanya.

"Ano--"

"Tumigil k---"

Hindi niya matapos ang gusto niyang sabihin dahil bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay pinapatamaan ko na siya ng suntok.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Putangina ka! Gago!" ubos-pasensyang sigaw ko at sinakal siya.

"Papatayin kita!!" galit na galit na sigaw ko habang nagpupumilit siyang kumawala sa sakal ko.

"Kuya..." umiiyak na tawag ni Mika sa'kin.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" rinig ko ang sigaw ni papa at papalapit na yabag niya.

Hinila niya ako at binalibag sa aparador.

"Papatayin mo ba ang kapatid mo?!" nag-iinit na sigaw niya.

"Oo! Papatayin ko ang gagong yan!" sigaw ko at akmang susugod pero di pa man ako tuluyang nakakalapit kay Fred ay sinipa ako ni papa at muli akong napaupo.

"Anong nangyayari dito? Kinuha mo na nga ang limang libo ko, ikaw pa ang may ganang magalit?" tanong ng kapapasok at kararating lang na si tita.

"Anong iniiyak-iyak ng batang yan? Nakakarindi na." lalapitan sana ni tita si Mika pero mabilis akong tumayo at humarang.

"Wag na wag n'yong idadampi ang ni-katiting na parte ng katawan n'yo sa kapatid ko." mariin na sabi ko at dinuro sila isa-isa.

Binuhat ko si Mika at lalabas na sana nang mapatigil ako sa narinig ko.

"Kung makaasta ka akala mo kung sino ka na. Magsorry ka kay Fred!" utos ni papa.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko at hinarap sila.

"Bakit ako ang magsosorry sa gagong yan?" inis na tanong ko kay papa. "Putangina, hindi kita mapapatawad kahit lumuhod ka pa sa harapan ko. Baboy ka!" galit na galit na turan ko kay Fred.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon