Chapter 14

199 9 0
                                    

Chapter 14



Sick

Ilang araw na ang nakalilipas simula nang mangyari iyon.Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Vanter.Si Denisse naman ay lumipat na ng ibang University.I'm glad na hindi ko na sila nakikita.Atlis natahimik na ang buhay ko ngayon.

"Eion!"
Tawag ko sa kanya at kaagad ko syang niyakap.

Natawa sya sa akin.

"Miss me,e?Ilang araw lang naman akong umabsent,ah."

"Kahit na.Hindi ka nagsasabi na aabsent ka ng 2 araw."

"Don't worry about me,Shan...I-It's just...paano ko ba sasabihin to?Ahm,nagkaroon lang ng problema sa bahay."

Tumaas ang isang kilay ko.Hindi sya magaling magsinungaling.May dahilan siguro sya kaya hindi nya sinasabi sa akin.

"Nakita mo ba sila Alice at Tania?"
Tanong ko kay Eion.

"Hinahanap ko nga rin sila,mukhang hindi sila papasok ngayon pero nandito si Fayrem ngayon.Let's ask her---"

"Yes?Ano itatanong nyo,guys?"

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Grabe,Fayrem!Wag ka namang nanggugulat bigla!"

Tumawa lang sya sa akin.

"So,ano nga itatanong nyo?May problema ba,ha?"
Tanong ni Fayrem.

"Papasok ba yung dalawa?"
Tanong ko.

"Hmm...tingin ko hindi.Hindi ko nga alam kung bakit hindi naguusap yung dalawa,e.Mukhang nagaway sila."
Sabi ni Fayrem.

"Tsk,ang dalawang yon.Sila pa naman yung mas close sa atin tapos magaaway yung dalawa."
Ngiwing sabi ko.

"Oh,anyare sayo?Tumahimik ka yata dyan,Eion?"
Kunot-noong tanong ni Fayrem.

"W-Wala to.Pagod lang siguro ako."
Tipid na sagot nya.

May kutob akong may alam si Eion sa away ng dalawa since close din sila Eion at Alice.Nagkibit-balikat na lang ako.Masyado namang personal kung tatanungin ko pa si Eion.

"Tara na nga.Wag kayong magalala sa dalawang yon.Mahal nila ang isa't-isa."

---

"Ether naman,wag ako please?"
Pagmamakaawa ko kay Ether.

Ngumiwi si Ether sa akin.

"Ang kulit mo,Shan.Ikaw dapat ang pumunta doon dahil close kayo ni Vanter.Kaylangan mong ibigay sa kanya ang mga papel na to.Ito yung mga kaylangan nyang tapusin para hidni sya babaan ng grade sa ilang araw nyang pagaabsent."

Napapikit ako ng mariin.

"Listen,Ether.Hindi kami close ni Vanter,ok?Wag ako please."

"Shan!Ikaw ang Secretary dito.Wag mo akong gagalitin."

Napabuntong hininga na lang ako.Kainis naman.

"Oo na po,eto na.Lalakad na nga,e."

"Anyway,alam mo ba kung saan sya nakatira?"
Tanong nya na syang ikinatango ko.

Oo,guys.Alam ko kasi nga minsan nya nang nilandi si Fayrem noon.

"Good,ingat ka."
Sabi nya at nagpaalam na.

---

"Hay!Ayoko talaga syang makita! Bwiset na buhay to,oo."
Inis na sabi ko sa sarili ko.

Wala akong magawa dahil baka malagot ako sa President.Nakasimangot ako habang kausap ang guard ng Village na ito.

"Oh,sige.Pasok ka na."

Tumango na lang ako.Ni ngiti nga hidni ko pa nabigay sa kanya dahil sa pagkairita.

Inis kong pinindot ang doorbell.Nang wala pa ring bumubukas sa gate ay paulit-ulit ko na itong pinindot.Bakit ba,inis ako e!

"S-Sandali lang."

Boses pa lang nya naiinis na ako.

"Sino---Shan?Anong ginagawa mo dito?"
Matamlay na tanong nya sa akin.

Pinagmasdan ko syang mabuti.Wait,may sakit ba sya?Bakit ang putla-putla ng isang ito?Walang pagaalinlangan kong idinikit ang palad ko sa noo nya.Sh*t,may sakit mga talaga sya.Sobrang init!

At dahil may awa naman ako ay isinantabi ko muna ang galit ko.Dahil siguro to sa pagpapaulan nya.Shocks!Kasalanan ko pa pala!Madali pala syang magkasakit sa ulan.Hay!Shan!Bakit ba lagi mong pinapairal ang galit mo?

"A-Ang init mo...mayaman ka naman,di ba?Bakit hindi ka nagpa-hospital?"
Alalang tanong ko sa kanya.

Natigilan sya sa sinabi ko pero kinalaunan ay nagsalita rin.

"I don't need to...Why are you here?A-Akala ko ba ayaw mo na akong makita?"

Fall For The TrapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon