Chapter 37

148 7 0
                                    

Chapter 37



Bully Vs. Player

"We're going to Tagaytay,anak."
Mom said na syang ikinatigil ko.

Muntik pa akong masamid kung hindi ko lang binitiwan ang kapeng hawak ko.

"M-Mom,pwede po bang maiwan na lang ako dito?"
Mahinang tanong ko.

"Hindi ka namin pwedeng iwan,anak.Lalo na ngayon at kakabreak nyo lang ni Vanter.Kailangan mong kalimutan ang mga problema mo."
Dad's said while smiling at me.

Napabuntong-hininga ako.Hindi naman siguro uuwi ng Tagaytay si Vanter?Bahala na.

"Sige po ,Mom,Dad.I'll go with you."

---

"Talaga?Sino kasama mo?"
Tanong sa akin ni Fayrem habang umiinom ng juice.

Wala ngayon si Alice at Tania dahil may inaasikaso pa daw sila.Kaagad kong tinawagan si Eion.Para man lang makabawi ako sa mga ginawa nya para sa akin.

"Hello,Shan?Napatawag ka?"

"H-Hi?Are you busy?"
I asked.

He laughed.

"No,why?Gusto mo puntahan kita?Libreng-libre ako ngayon."
Sabi nya na syang ikinangiti ko.

"R-Really?G-Gusto mo bang sumama sa akin sa Tagaytay?Pupunta kami ng mga magulang ko for vacation?"

"Of course!Anong oras kayo pupunta?"
He asked.

Mahina akong natawa.Palibhasa mayaman din ang isang ito.

"Hmm...magkita na lang tayo sa Picnic Grove?"

"Alright then,thank you for inviting me.Actually,I was about to invite you also,hahaha.Naunahan mo lang ako."

I bit my lower lip.I'm so lucky to have a friend like him.

"Ok,take care!Goodbye,Mr.Seartanio!"
Sabi ko na syang ikinatawa nya.

---

Dala-dala ko ang camera ko habang lumilibot ako sa Picnic Grove.Nung last time na pumunta ako dito,hindi man lang ako nakapagpicture.I saw how Eion rolled his eyes.Kanina ko pa kasi sya pinipicturan.Halos sya na nga yata ng camera.

"Come on,Shan!Wala ka bang balak magpapicture sa akin?Why always me?"
Umiiling-iling na sabi nya na syang ikinatawa ko.

Lumapit na lang ako sa kanya.Umakbay sya sa akin habang nakangiti.

"Thank you,Eion...ang swerte ko talaga sayo kahit kailan."
I said.

He patted my head.

"It's always welcome,Shan.Palagi lang naman akong nandito.Hindi naman ako mawawala sa tabi mo."
He smiled.

Nangilid ang mga luha ko sa sinabi nya.What if sya na lang yung minahal ko?What if sya na lang yung pinatuunan ko ng pansin?Hindi siguro ako masasaktan ng ganito.Eion's there for me but I still chose that f*cking Alfonso.

Nagpaalam muna si Eion na may tatawagan lang sya.I just nodded at him.Nang makapunta ako sa horseback ay kaagad na pumasok sa alaala ko si Vanter.My tears started to fall again.Mapait akong ngumiti at sumakay sa kabayo.Bumuntong-hininga ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Hey!Ibigay mo ang laruan ko!"

Napalingon ako sa dalawang bata na nagaagawan sa iisang laruan.My eyes widen when the girl kicked the horse's feet.Napasigaw ako nang bigla na lang itong tumakbo.Kinakabahan ako.

"Sh*t,sh*t,sh*t!"
I cussed.

Akala ko tuluyan na akong itatakbo ng kabayo sa kung saan nang may pumulupot na braso sa beywang ko at binuhat ako papunta sa kabayo nya.

Napaangat ang tingin ko.My eyes widen nang makilalang si Vanter ito.A-Anong ginagawa nya dito?!Walang emosyon itong nakatingin sa akin pero kinalaunan ay umiwas din sya.

"Put me down."
Mariing sabi ko.

Pinahinto nya ang kabayo kaya kaagad akong bumaba.Hindi ko na sya nilingon pa at umalis na.I heard his horse steps.Kumuyom ang mga kamao ko.Ano pa bang gusto nya?!

Marahas akong lumingon sa kanya.Sinusundan nya nga ako.Huminto ang kabayo nya nang mapalingon ako sa kanya.I sarcastically laughed in front of him.

"Why the f*ck are you following me,huh?!"
Mariing tanong ko sa kanya.

Bumaba sya sa kabayo at malamig na tumingin sa akin.

"Di ba dapat ako magtanong sayo nyan?"
Malamig na tanong nya sa akin.

Tumawa ako ng malakas.

"Bakit bawal bang pumunta dito?Di ako nainformed na sayo na pala ang lugar na to."
I sarcastically said.

Ngumisi sya.

"Hindi mo matanggap?Minahal mo ako ng sobra kaya ka ganyan,di ba Shan?"
Makapal na mukhang sabi nya kaya naman sinampal ko sya ng malakas.

"Ano pa bang kailangan mo?Gusto mo ng laro?!Gusto mong bumalik tayo sa dati?Yung dating trato ko sayo noong nambababae ka?!Fine!I'll gave what you f*cking want!"
Sigaw ko.

Marahas kong hinila ang necktie nya at marahas ko syang hinalikan.Gusto ko syang saktan ng sobra dahil sa ginawa nya.Sige,bumalik tayo sa unang kabanata,Alfonso.Pagbibigyan kita.

Nang malasahan ko ang dugo sa labi nya atmy tinulak ko sya at iniwang nakatulala doon.

Pinagsisisihan kong minahal kita at hindi-hindi na yon mauulit.

Fall For The TrapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon