Lima napunta sa isa.
Saan ba napunta ang iba?
Ang dating walang iwanan ay binaon nalang sa nakaraan.
Ako ba'y nagkamali?
O, ako ba'y kanilang iniwan na walang dahilan.Kaibigan, yan ang tingin ko sa inyo.
Pero lahat ng ito ay nagbago.
Nung nalaman ko yung totoo.
Na trinaydor niyo pala ako ng patago.Araw-araw kapag pumapasok ako sa skuwela.
Nakikita ko kayong masayang nagsasama.
Na para bang wala kayong problema.
At eto naman ako,
Pinipilit ang sarili na hindi iiyak sa harap niyo.
Dahil alam ko na pagtatawanan niyo lang naman ako.Hindi ko kailan man makakalimutan.
Ang araw na ako ay iyong pinagtabuyan.
Na para bang laruan na pinagsumuhan.
Tao lang din naman ako,
kagaya niyo.
Pero kayo ay biglang nagbago,
Naging plastik na pala kayo.Umaasang maayos at mabalik ang dating tayo.
Yung walang traydoran at sakitan.
Yung masayang samahan na di mapapantayan ng kahit anong yaman.Kahit nagbago na kayo
Narito lang ako handang tanggapin ang bagong kayo.
Kasi alam ko na,
kayo parin yan mga kaibigan ko.-m o c h i
BINABASA MO ANG
𝘔𝘨𝘢 𝘛𝘶𝘭𝘢
Poetry𝘔𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘣𝘶𝘰 𝘬𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘪𝘮𝘢𝘩𝘦𝘯𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯. 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘨�...