"𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲"

17 2 0
                                    

Dalawang salita
Labing-tatlong letra
Ako ay napatulala
Ng ako'y binati mo, sinta

Di man lang kita kilala
Pero salamat
Salamat sa pagbati mo
Na walang katiting hiya

Ako ay nahihilo
At nalilito
Kung bakit
Ako ay biglang nagkainterisado

Hindi ko na alam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Ito na ba ang unang pahina
Sa kuwentong kay labong tapusin?

Dahil alam kong
Ako ay iyong papaasahin
Pero di naman mamahalin

Kung may sasalo nga
Sa palagay ko lang naman
Na hindi siya nakalaan para saakin

Ngayon ko lang nalaman
Na may mas malabo
Pa pala sa hangin
Walang iba kundi ang sarili ko

Ganon na ba ako kahirap mahalin?
Na aabot sa dulo
Na wala na talagang nakalaan para sakin
Maligayang kaarawan para sakin
Na hanggang pampalipas oras lang ang aabutin

-m o c h i

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝘔𝘨𝘢 𝘛𝘶𝘭𝘢Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon