01

7 2 0
                                    


Agad akong bumaba ng kotse kahit hindi ko pa ito napark ng maayos. Dali-dali akong tumakbo at sumalubong sa akin ang amoy ng ospital.

Napatingin sa akin ang karamihan sa naroon. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Ang importante makita ko si Dad.

Nakita ko naman sina Teffany at Mommy na nakaupo sa labas ng ER. Nakayuko si Mama at nakatakip ang dalawang palad sa mukha halatang umiiyak. Nakasuot pa ito ng pantulog at halatang nagmamadali dahil magkaiba pa ang sapatos na nasuot. Si Teffany naman ay tinatahan si Mommy. Pumunta ako sa direksiyon nila. Umangat ang tingin ni Mommy. Pinunasan naman niya kaagad ang luha niya.

Nagkatinginan kami. Agad kong niyakap si Mommy.

"Mommy I'm sorry, I'm sorry." Hinagod niya ang likod ko. Umiiyak lang ako.

"Shh. It's not your fault." Nababasa na ang kanyang damit sa mga luha ko.

"Kung di lang sana ako pasaway..."

"No, it's not your fault. Don't blame yourself." Napaaangat ako ng tingin. Tinulak ko siya ng bahagya at napahiway ako sa yakap.

I looked at her. May mga bakas pa ng luha ang kanyang pisngi. Pinunasan ko ito.

"Mommy, what happened?" Tanong ko sa kanya.

"Based on the investigation of the police he hit his car on a tree because he cannot use his breaks. Now he's on a coma." What?

"I thought he always check the condition of his car?" Naguguluhang tanong ko. Imposible namang di yun gumagana. My father always check the condition of his car before going on a long drive.

Unless...

"Wala namang napahamak na civilian kaya..." Natigilan ako sa sinabi niya. Paano niya pa naiisip ang mga civilian. I know likas na mabait si Mommy pero ganoon na nga ang sitwasyon ni Daddy yan pa ang unang iniisip.

"Mom, Dad's on a coma and your still thinking that way." Medyo napalakas na turan ko.

"Hey Alicia, don't raise your voice on Tita." Saway naman ni Teffany sakin.

"I'm just glad na walang napahamak." I get her but nabigla lang ako.

Agad naman lumambot ang expression ko at humingi ng paumanhin kay Mommy.

"Can I see Dad?" Tanong ko kay Mommy. Nalipat na kasi si Dad mula sa emergency room.

Tumango siya kaya pumanhik na kami sa kwarto kung nasaan si Daddy.

I saw him with different tubes attached to his body. May benda pa ito sa ulo. Nalungkot kaagad ako sa nakitang sitwasyon ni Dad. Kung hindi sana ako naging pasaway di ito nangyari sa kanya.

I remember last week noong nalaman nila na may nakaaway ako. Nagalit sa akin si Dad si Mommy naman walang imik sa gilid at pinipigilan si Daddy.

He grounded me and confiscated my laptop and phone. Even my car keys.

I said na okay lang na grounded ako but nakiusap ako na wag lang i-confiscate ang phone ko.

Kaya pumayag na lang si Dad dahil pati si Mom ay pinakiusapan na rin siya.

He went to a business trip that lasted for a week. He was not at home when I sneak up every night to go to club.

He supports me. Buy me whatever I want, give me I want. What Alicia wants, Alicia gets. Binibili niya lahat ng luho ko.

We are filty rich. Well not rich rich but filty rich. My family owns a business which is from my ancestors past from my grandparents down to my parents.

Aqua Vitae Of AliciaWhere stories live. Discover now