06

4 1 0
                                    


Pagkatapos inumin ni Francis ang nakakamatay na inumin ay nawalan ito ng malay tao.

Niyugyog siya ni Lenard pati na rin Thoren pero di pa rin gumigising. Napailing-iling naman si Xian at Gerard sa nakita.

Gulat na gulat pa rin ako hanggang ngayon.

"Hala ka! Gerard gumawa ka ng paraan. Ibalik mo si Francis. Buhayin mo siya. Ano bang pinainom mo at namatay si Francis. Makukulong ka niyan. Hala anong gagawin natin makukulong din ba tayo? Omygosh. No, Hindi pwedi." Sabi ko kay Gerard at nanginginig na sa takot. Baka madamay pa kami. Ayokong makulong.

Oo, OA na kung OA. Ikaw ba naman makawitness ng tanong namatay di ka matatakot.

"Alice, calm down. France is not dead yet. He just past out." Thoren said at pinakalma ako. Hinagod niya ang likuran ko.

Unti-unti naman akong kumalma dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nahimatay. Kung sana hinalikan niya ako kanina hindi mangyayari to.

"Kung sana kanina I just let him kiss me di sana mangyayari to." Sabi ko naman. Mas lalo naman dumilim ang expression ni Thoren.

"Mas malala pa aabutin ni Francis pagpinayagan mong halikan ka kanina ni Francis, Ali. Kaya mas mabuti na lang na uminom siya ng nakakamatay na alak. Para din naman yun sa ikabu-buti niya." Sabi naman ni Gerard.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nawalan na nga ng malay yung tao tapos para sa ikabu-buti pa. Hays.

"Guys, ano pang tinutunganga niyo dalhin iuwi niyo na si Francis." Sabi ko.

"The game's not over yet. Di pa nga ako napipili eh. Maya niyo na iuwi yan." Kier said dismissingly.

"At least, pagpahingahin niyo ng maayos. Maawa naman kayo. Nawalan na nga ng malay eh." Nanatili pa rin kasing nakasubsob ang mukha niya sa mesa.

Wala silang nagawa kundi sumunod na lang sa sinabi ko. Pero imbis na buhatin na ang nakatulog na si Francis aba nagbangayan pa sila kung sino ang maghahatid kay Francis sa kwarto.

"Xian ikaw na alam mo naman ang pasikot-sikot dito eh." Sabi ni Gerard kay Xian.

"Kayo na lang. Ang bigat kaya niyang damulag na yan. Birthday na birthday ko pagbubuhatin niyo ako ng isang malaking damulag." Sabi naman ni Xian sabay turo kay Francis.

"Ikaw Lenard tatahimik ka na ngayong may gagawin. Aba tumulong ka din no. Ikaw kaya ang may pakana nito." Natawa naman si Lenard sa sinabi ni Kier.

"Ako? Ay wala akong kasalan diyan ah. Tsaka basa pa ako oh."  Natawa siya habang turo ang sarili at umiiling-iling pa. Nagmamaang maangan pa eh.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

"Stop na nga kayo. Lenard at Kier tulungan niyo si Xian."

Napabuntonghininga sila sa sinabi ko. At walang nagawa kundi tumayo na at tinungo si Francis.

Dinala nila Xian, Lenard at Kier si Francis sa isa sa mga guest room.

"Kawawang Francisco, Hahaha." Tawa ni Gerard. Sobrang saya naman nito dahil may nabiktima siya.

"Gerard." Tiningnan ko siya ng matalim. Kung nasa tamang utak ba ito? Bakit ba naman kasi nila naisip ang nakakamatay na inumin na yun yan tuloy.

Tahimik naman sa tabi ko Thoren.

Mabilis naman nakabalik ang tatlo.

"Can we continue now?" Tanong Kier.

"Oo nga. Pero this time dahil wala si Francis ako na ang iikot ng bote." Sabi naman ni Gerard.

*spin*

Aqua Vitae Of AliciaWhere stories live. Discover now