04

6 1 0
                                    


Araw-araw akong sumasama sa grupo ni Thoren. Nakilala ko na rin ang mga kaibigan niya kaya madalas kaming magkulitan yun nga lang di pa rin ako pinapansin ni Thoren.

I tried to hold his hand pero winaksi niya lang ang kamay ko. I also brought him foods syempre ako ang nagluto pero di niya kinakain. He always give it to Lenard or Kier but still palagi ko pa rin siyang dinadalhan.

I always woke up early just to cook for him yet he don't appreciate my effort. I didn't expect him to eat it but at least tanggapin niya man lang tsaka pag umalis na ako tsaka na niya ibigay sa tropa niya o kung ano mang gusto niyang gawin. Kahit itapon niya okay lang basta makita ko lang na tinanggap niya okay na.

Wala siyang tinikman kahit isa sa mga pagkaing dinala ko.

Hindi naman niya ako binibigyan ng motibo para umasa. Ako lang naman itong patay na patay sa kanya.

I have many suitors naman. Pero siya pa rin eh. Di ko na nga mabilang kung ilang manliligaw na ang nabasted ko eh. I'm not interested naman kasi for a relationship or I just eyes on someone kaya ganoon.

They know naman na may crush ako kay Thoren eh kaya naiintindihan naman nila. So I keep them as friends but there are some na persistent.

They give me flowers, chocolate and other stuff so I just accepted it kasi sayang naman kung itatapon ko na lang. Tsaka binibigay ko na lang kanila Lenard kasi hinihingi naman nila so binigay ko na lang din.

Alam din ni Thoren ang tungkol sa mga manliligaw ko. As far as I want ayaw ko sanang ipaalam sa kanya na may mga manliligaw ako baka kasi maturn-off. Sabihin na marami naman akong manliligaw ba't siya pa.

Eh siya nga ang gusto ko.

Maraming babae rin ang umamin Kay Thoren kaya siguro noong nalaman niya na may gusto ako sa kanya ay di na bago iyon.

Two months had past he's still don't like me pero he let me touch him. Hold hands with him. Noong una he always have me a death glare whenever I touch him pero kalaunan hindi na. Siguro nagsawa na kakasaway sakin. Hihi.

Kaya hinahayaan na lang ako sa mga pinaggagawa ko. Tsaka I always ask his permission naman before ko gawin maliban na lang sa bigla biglang pagyakap sa kanya, everytime I hug him he was caught off guard. Ang paghawak sa mga kamay niya, his calloused hand that fit perfectly in mine.

I can touch him na. Yehey!

Improvement. I'm so proud of my self. *flips hair*

Kaya mas lalo kaming tinukso ng mga kaibigan niya. Ako lang ang babaeng kagrupo nila. Lumipas ang mga araw they treat me like I belong to the group.

Palagi kaming tumatambay sa bahay nila Thoren tuwing weekends kaya kilala na rin ako ng parents niya. Nalaman din nila na my crush ako kay Thoren kaya pati sila tinutukso na rin ako kay Thoren.

Nalaman ko din ang mga favorite niya. Nangangalaiti nga siya sa galit dahil sinabi sakin ni Francis. Ang daldal kasi nun kaya nang tanungin ko walang pag aalinlangang sinabi sakin. Hahaha. Yan tuloy naghabulan sila ni Thoren. Di siya tinigilan ni Thoren hangga't di niya nahuli.

Pinagsasapak siya pero mahina lang naman tsaka nang nakuntento na binatukan pa at tinigilan na.

Ahahaha. Kawawa yung itsura niya mukhang pulubing walang nakain ng tatlong araw. Gulo gulo pa ang buhok.

In weekdays naman sa bahay ni Xian kasi malapit lang ang bahay niya sa school. Walking distance lang.

This upcoming friday is Xian's birthday and all his friends are invited. Big-time pa ang mga friends. He's turning 19 siya ang pinakamatanda sa grupo. Ako naman ang pinakabata. Kasi I'm just 17 nga. Kaya tinuturing nila akong bunso.

Aqua Vitae Of AliciaWhere stories live. Discover now