Chapter 5

30 3 1
                                    

Halos mabilaukan ako dahil sa narinig ko. I looked at him in the eyes.

"W-what? Did I?" I asked sincerely. I forgot what happened and I was so wasted last night. There's a big possiblity na totoo nga ang sinasabi nya dahil nangyari na 'to noon. Whenever I'm drunk, I used to send drunk messages and do dumb things.

"Let's just say, it was a friendly kiss." Natawa sya at tinalikuran ako para pagmasdan ang mga bituin sa itaas.

Friendly what? Sinamaan ko sya ng tingin kahit na di nya ako nakikita. I looked above and saw the start. Ang ganda ng tanawin, I want to paint this scenery.

Pinagmasdan ko ang likuran nya habang nakatitig sya sa mga bituin sa itaas.

The ambiance calmed me down. Ang malamig na ihip ng hangin ay dumapo sa aking balat. Ang lamig naman dito.

Naglakad ako palapit at pinantayan sya, nakatingin parin sya sa itaas at tila maraming iniisip.

"Why do you have to earn money when you have a great company?" I asked. I thought it was an insensitive question but he smiled.

"Any moment from now babagsak narin ang kumpanya. My parents were so hungry for power. Hanggang sa nagka utang utang na kami. This collaboration was a huge help for us. Kayo nalang ang kapit ng kumpanya namin. If anything goes wrong, sa kangkungan kami pupulutin. Isa isa nang nag reresign ang mga tauhan namin." He said.

Napatulala ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit ko ba yun tinanong. Shit.

"That's why I'm trying my best to earn a lot of money. Kasi lahat ng savings nila kay Erin lang din mapupunta since sya ang bunso at nag iisang babae." He said calmly. Nakatingin parin sya sa mga bituin.

"Then how do you still manage—

"I have kuya Elixir. He provides my needs, car, condo, allowance and tuition." He explained.

So kuya nya pala yung nasa picture frame na nakita ko. Napatango ako. Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin.

"Ano, g kana hindi ba?" He made sure again.

"Yeah..." I smiled. "Don't worry, I'll help you earn money..."

Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na kami pauwi. Sa kotse ako ni daddy sumakay dahil may pasok na ako bukas. Lilliane went home by herself. Pagka uwing pagka uwi ko, dumiretso na ako sa kama at nag scroll nalang sa phone.

11:30 na at nag sscroll parin ako. A notification popped up.

Enuo Josef Z. Dela Cerna followed you

I opened my instagram and stalked his profile. Tatlo lang ang post doon. Isang picture nya na topless sa beach, isang scenery na ipininta nya at picture nya ulit.

He has 6,835 followers and he only follows 35 people including me. Wow famous ka?

I followed him back.

Bumaba ako para kumuha ng gatas kasi hindi pa ako makatulog. I heard some noises at the garden area. Nakapatay na ang ilaw pero bakit ang ingay ingay sa garden.

Dala dala ang baso ng gatas, dahan dahan akong naglakad papuntang garden. Habang lumalapit ay mas lumalakas ang sigawan.

"How could you do this to me Adriano?!" Nanlaki ang mata ko nang makitang nag hihysterical si mama sa sahig. Umiiyak.

Lalapit na sana ako ngunit biglang sumigaw si Dad.

"Stop fooling yourself Miranda! Alam nating hindi natin mahal ang isa't isa!" Nanlaki ang mata ko sa narinig. After 18 years of marriage, they don't love each other?

The Art Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon