kabanata 23

14.8K 263 1
                                    

napatayo ang lahat ng ihagis ni king, ang bola paitaas ang lahat ay nakatulala at nagdarasal na sana ay makapasok ang bola sa loob ring, at nag hiyawan ang mga tao ng sabay sabay ng pumasok ang bola sa loob ng ring

"Silvestre, silvestre, silvestre" sigaw ng mga tao, at pagtaas ng mga banner

habang kami naman ay nag tatalon nila ky, at nakisigaw rin, ng dahil sa sobrang saya, ay agad akong napatakbo pababa, at pumunta kay king, sabay sabing

"Congratulation "nakangiti kong sigaw, sabay yakap sa kanya,

bibitaw na sana ako, ng yumakap din ito pabalik sabay halik sa aking noo,

"Damn baby, i'm miss you so much" hasky nitong bulong, na nag patayo sa aking mga balahibo , at ng maramdaman ko ang hininga nito, sa aking leeg ay para akong biglang nanlambot

"Ano bang ginagawa mo, andaming nakatingin oh, nakakahiya"bulong kong wika at yumuko, ngunit napangisi lamang ito , at nagulat naman ako ng may biglang nanghila sakin

"Let's go era friend" paghila sakin ni kyla habang tumatakbo, nakita kong hahabulin pa sana ako ni king , ng biglang hinila sya ng mga kaibigan nito

"bakit mukhang nag mamadali kayo"takang tanong ko

"Hindi mo ba alam"takang tanong ni eve, na nagpakunot ng noo ko, nakita ko namang napailing ito at tumatawa

"Meron silang Victory Party, at iniimbitahan nila tayo, kaya naman kailangan nating mag handa, at mag paganda"masayang sambit naman ni kyla, na nagpataas naman ng kilay ko

"kailangan pa talagang mag paganda" natatawang tanong ko

"aba syempre naman, mga papa kaya ang mga kasama natin doon" nag iimaging wika naman ni eve , na nagpangiti sakin at napailing

____________

Nandito kami ngayon sa kotse at nasa backseat ako, habang nasa Driver seat naman si ky, at passenger si eve

hindi na kami nag pasundo sa mga boys, kaya naman kami lang ang mag kakasama ngayon

suot ko ang isang pulang dress , ngunit pa tube ito sa itaas , at pa baloon naman ang ibaba, at tinernuhan ko ito , ng isang itim na heels, at itim na shoulder bag, habang ang kulot na buhok ko naman ay nakalugay lamang

pinasadahan ko ang aking labi, at tumingin sa bintana ng kotse, mula dito ay natatanaw kong malapit na kami sa patutunguhan namin

maya maya pa ay naramdaman kong huminto ang aming sasakyan, at sabay sabay kaming lumabas, at sabay sabay ring pumasok sa loob nakita ko ang mga  matang nakatutok sa akin, at kung pano ako papurihan ng mga tao sa paligid,

may mga bumabati na mga kakilala na nginingitian ko lamang , at habang nag lakad kami ay nakita ko ang mga kalalakihang , naka upo sa isang sofa,

ngunit isa lang ang gusto kong makita kaya naman inikot ang aking mata sakanila

at nakita ko ang isang lalaking mariing nakatitig sakin, mula ulo hanggang paa, nakita ko kung paano mag tangis ang bagang nito habang nakatitig

suot ang isang jaket nitong itim at ang panloob na itim na tshirt rin at pinarisan ng isang itim na pants, at  isang leather shoes at nakita kong nakabukas ang zipper ng jaket nito na mas lalong nag pa dagdag ng kagwapuhang taglay nito

The Trillionaire Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon