Chapter 9

351 17 1
                                    




Friday ngayon at may training kami dahil may laban kami sa monday and hindi pa din kami ok ni Ella hanggang ngayon wala pa din nagf'first move mag message kaya alam kung hindi sya pupuntang bahay kaya diretso dorm na lang ako mamaya.


"Gabb galaw galaw tayo dyan oh." Sabi ni Laney at hinagis sakin yung bola.

"Sorry sorry." Sabi ko at nag serve na tas ayon palpak ang serve.

"Gabb may laban tayo sa monday wag gantong laro." Sabi ni Ecka.

"Sorry teka labas muna ako, Cole ikaw muna." Sabi ko at pumasok naman si Cole.


Nag water break at may nag abot naman sakin ng tubig kaya kinuha ko at uminom.


"Sungit di man lang nag thank you." Familiar yung boses kaya napa angat ako ng tingin at nakita ko si Ella.

 "Ella?!??!!" Sabi ko at niyakap sya.

"Teka ang harot!" Sabi ni ate Sela.

"Bat di ka nagsabi na pupunta ka dito?" Sabi ko.

"Eh galit ka eh." Sabi nya at nag pout.

"Hindi ako galit ayoko lang makisabay sa pagod mo." Sabi ko at hinawakan yung ulo nya namiss ko yung amoy ng buhok nya.

"Teka may training kami paumanhin ho sa mga mahaharot." Sabi ni Dana.

"Ano pasok ka na ulit? Mukang may energy ka na ulit eh." Sabi ni Ecka kaya tumango naman ako.


Natapos na yung training namin at yun na nga umayos din yung laro ko buti na lang friday ngayon at walang masyadong tao sa gym walang makakakilala kay Ella dati kasi halos ibakod ni ate Abby si ate Sela dahil halos isang linggo may nagbibigay ng flowers and letter kay ate Sela mga ganun sya kaganda.


"Ang saya saya na ni Gabb porket may bebe na syang kasama." Sabi ni Rans.

"Samantalang kanina halos kasuklaman na ni Ecka dahil hindi nag aayos ng laro dumating lang si Ella biglang na recharge." Sabi ni Laney.

"Iba talaga pag may inspiration, sana all." Sabi ni Lara.

"Hanap pa kasi ng hanap ng iba ayaw na don sa cute naming libero." Sabi ni Cole.

"Ayako nga ang sungit naman nun." Sabi ni Lara.

"Wow payag ka nun masungit ka daw Brei." Sabi ni Dana.

"Oo baka sipain ko pa kayo dyan." Sabi ni Brei.

"Puro kayo kalokohan cute size nga si Brei eh." Sabi ko.

"Ella yang jowa mo epal laging nang iinis." Sabi ni Brei.

"Alam ko naman gusto nyo ba sunugin ko na lang 'to?" Sabi ni Ella at hinawakan ako.

"Sige nga yayakapin naman kita para magkasama pa din tayo." Sabi ko.

"YAK!!! ANG CORNY!!!" Sabi nila at tumawa naman si Ella.

"Ang corny nga nun Gabb." Sabi ni Ella.

"Teka si Jamie asan?" Sabi ni Ecka naghihintay kasi kami ng service namin papuntang dorm at napansin ko ngang wala si Jamie.

"Shit." Napamura ako at tumakbo pabalik ng gym.


"Jamie!!!" Sigaw ko dahil pagdating ko sa gym dahil hindi ko sya agad nakita. "Jamie!!" Tawag ko sakanya nang makita ko syang lumabas ng c.r

"Anong sinisigaw sigaw mo dyan?" Natatawang sabi nya.

"Akala ko kasi napano ka na bigla bigla kang nawawala." Sabi ko.

Seeing you from afarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon